Chapter 11: He Like You

1.8K 67 0
                                    

I was feeling nervous as our 8:00am meeting with Jae is about to start. Everyone is in the meeting room already, naroon na rin sina Maple, Chu at GM para sa side ng company namin. Sina Kim at Ryan naman kasama si Jae sa side ng JYB. I was the one presenting kaya naman abot-abot ang kaba ko lalo na at para ito sa final update bago namin simulan ang project sa kompanya nila.

"What are you waiting for, Elijh? Wala tayong buong umaga para hintayin kung kailan ka magiging ready mag-umpisa." mataray na sita sa akin ni Kim na marahil ay hindi na napigil ang sarili dahil sa inip.

Nakita kong masama itong tinignan ni Chu bago ko ito sinenyasan na magrelax. Tumalim rin ang tingin rito ni Maple na nakita ko pang bumuntong-hininga habang nagkukuyom ng palad, tanda na nagpipigil lang din siya. I awkwardly smile as I clear my throat para mag-umpisa.

I greeted everyine at isa-isang tinignan ang mga ito maliban kina Kim at Ryan. Sa totoo lang ay kanina ko pa gustong barahin ang babae dahil sa dami ng demands nito bago pa man kami magsimula, daig pa si Jae sa dami ng hiling.

But I chose to ignore her, maging kay Ryan ay ganoon rin ang ginawa ko. I'd rather focus on something worth my attention kaysa ang pagtuunan ang negativity na dala nilang dalawa.

As I was about to start ay napabaling ako ng tingin kay Jae na nakaupo sa pinakadulong upuan ng table. He's eyes are on me na para bang pakikinggan niyang talaga ang sasabihin ko.

"Shall I start?"

I saw everyone nod, maliban kay Kim na inirapan pa ako nang magtama ang mga tingin namin at kay Ryan na kunwari ay abala sa mga papel na hawak nito. Sa totoo lang ay ipinagtatakha ko pa rin na nandito siya, then Kae explained to me that he needs to review the legality of the proposal. Marami pa soyang sinabi to justify Ryan's presence na hindi ko na lang rin pinansin.

I looked at Maple as she gestures to me to let them be, then I continued with my presentation. I tried very hard na mag-focus at huwag madistract. It was going smoothly at habang inilalatag ko ang detalye ay tanging pagtango lang mula sa mga ito ang natatanggap ko, tanda na sang-ayon sila sa proposal ko.

Tinignan ko si Jae na kanina pa walang imik. Maliban sa ilang mga minor questions na meron siya na lahat naman ay nasagot ko ay wala na siyang iba pang concern. That gave me a sign of relief, knowing that everything went well and as I was about to conclude the meeting, isang tanong ang ibinato ni Kim sa akin that caught me off guard.

"Everything seems to be perfect, I was just wondering kung kasama rin ba sa expertise mo ang kunin ang atensyon ng client mo, Eli?"

"I think you're question seems out of the l-"

Hindi ko na pinatapos si Maple sa sasabihin nito dahil pinutol ko na iyon. I look straight into Kim's eyes at ang kaninang pagpipigil ko sa mga lihim na pag-atake nito ay para bang kumawala nang lahat.

"Ms. Sembrano, I believe explaining to you all bout my expertise is unnecessary. Hindi naman ikaw ang direct client namin and honestly, I can explain everything to JYB even without your presence." At saka ko tinignan si Jae na nakatingin lang rin sa akin. "Right, JYB?"

He didn't responded, bagay na kinainis ko ng bahagya. Gusto ko siyang batuhin ng stapler na nasa harapan ko nang mga oras na iyon pero pinigilan ko ang sarili ko.

Kagabi lang ay sinabi niyang willing siyang tulungan ako tapos ngayon ay wala akong reaksyong makukuha mula sa kanya.

"Is that so?" Hindi naman nagpatalo si Kim na bumanat pa ng isa. "I saw you went out JYB's car kanina, don't you have any shame?"

"Do you really need to lecture me about that, Kim?" I looked at her then looked at Ryan after, wala siyang imik pero halata sa mukha nito ang pagkasarkastiko pati na rin ang reaksyong ikinatutuwa niya ang pangwawalanghiya sa akin ng babaeng ipinalit niya sa akin, sa harapan niya. Sa harapan nilang lahat. He was silently cheering for her na para bang nasa isang kompetisyon kami. "Baka gusto mong ipaalala kp sa inyo kung anong ibig sabihin ng hiya, para naman kabahan ka sa mga sinasabi mo."

The Story Of UsWhere stories live. Discover now