Chapter 3: One Starry Night

3.4K 79 4
                                    

Pinagsalikop ko ang mga kamay ko upang gumawa ng kunwaring telescope, sinilip ko sa pamamagitan noon ang mga bituing animo'y parang mga mumunting diyamante sa langit, maging ang bilog na buwan na para bang malaking plato sa kalangitan.

Nagsimula kong igala ang paningin ko sa kabuuan noon at pagkatapos ay bumaling sa lalakeng nakaupo sa di kalayuan.

"Anong ginagawa mo?"

"Tinigtignan ko sila." sabi ko sabay turo sa langit.

"Sila? Sinong sila?"

"Iyong mga bituin, ang ganda hindi ba? Hindi ka makakakita niyan basta-basta kahit saan. Alam mo ba na ito ang pinakamataas na lugar dito at ito rin ang perfect na ligar para pagmasdan sila."
Tapos ay kinuha ko ang banana milk na binili ko kanina. "Oh." sabay abot sa kanya.

"Ano 'to?"

"Luh, bulag ka ba? Banana milk, ano pa ba sa tingin mo?"

"Alam kong banana milk iyan, ayan oh ang laki ng nakasulat. Ang ibig kong sabihin ay bakit iyan lang, nasaan na iyong sinabi mo kaninang ililibre mo ako?" may himig ng pag-angal ang boses nito habang kinakausap ako.

"Ano bang gusto mo? Magpa-cater ako? May nakita ka bang pwedeng pagbilhan?" inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid bago muling bumaling sa kanya. "Wala, hindi ba?"

Alanganin niyang tinanggap iyon, bago nanahimik at hindi na muling nagsalita.

"May gusto pala akong itanong sa iyo." basag ko sa katahimikang bumabalot sa amin.

"Ano iyon?" tanong naman niya nang hindi ako nililingon.

"Bakit mo kasama sina Gim at Cris?"

"Bakit? Bawal ba?"

"Wala naman, hindi ko lang kasi lubos maisip na makakasundo mo ang mga iyon. Ang bu-bully kaya nila noong highschool. Tapos kanina narinig kong pinag-uusapan ka nila."

"Sumbungera ka din eh 'no? Tapos nakikinig ka sa usapan nang may usapan, so chismosa ka na rin."

Muntik na akong masamid sa narinig kong sinabi niya. Tinignan ko siya ng masa bago nagpatuloy sa pag-inom ng natitirang banana milk sa maliit nitong karton. "Excuse me, I just overheared them habang padaan ako magkaiba iyon sa pagiging tsismosa. Isa pa, mukha namang hindi sila mabubuting impluwensiya."

"Assumera ka rin pala, judge ka ba?"

"Siraulo ka ba? Kanina ka pa kasi naminilosopo, napipikon na ako sa iyo."

Siya naman ang tumingin sa langit at saka nanahimik.

"Two bottles tayo." biglang yaya ko sa kanya. Hinawakan ko pa siya sa balikat para makuha ang atensyon niya dahil nakatingin pa rin siya sa langit na puno ng mga bituin.

"Bakit? Lasenggera ka ba?"

"Hindi naman, pero kasi noong nakita kita kanina biglang gusto kong mag-inom."

"At bakit naman?"

"Alam mo ikaw, ang dami mong tanong. Pa-virgin ka pa, hindi na lang sumama."

"Bakit nga kasi,"

"Wala nga, bigla ko lang kasi na-realize na hindi pala ako okay. Mukha lang akong masaya and I am trying to move forward pero ang totoo, hindi pa ito buo." sabi ko sa kanya sabay turo sa bahagi ng dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

Otomatiko ring pumatak ang mga luha ko nang hindi ko namamalayan at doon tuluyang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

Mabilis kong pinahid ang mga iyon at saka ngumiti na para bang binalewala ko ang nangyari. He started to have this softer expression at iba iyon sa makikita sa mukha niya kanina.

The Story Of UsWhere stories live. Discover now