Chapter 21: Adrien To The Rescue

1.4K 54 0
                                    

Hindi siya nagbibiro... pero bakit?

Nasa kwarto na ako at nagpapahinga, hinatid ako roon ni Jae matapos magamot ang sugat ko sa clinic at hindi na pinalabas pa.

I was insisting na okay na ako at pwede na akong bumalik kung saan nagaganap ang team building games nila ngunit hindi na niya ako hinayaang bumalik pa roon. Sa halip ay inihatid niya ako ng diretso sa kwarto at sinabihang huwag na muna akong lumabas.

"Listen to me, Eli. Huwag matigas ang ulo mo, baka mamaya lang paglabas ko makita na kita ulit doon sa field."

"Hindi nga!" Paulit-ulit naman 'to. Itinaboy ko na siya palabas dahil naririndi na ako sa mga paalala niya pero bago pa siya tuluyang makaalis ay muli na naman niya akong binalinga.

"I am watching you, I don't want to see you roaming around. Magpahinga ka muna rito, susunduin kita mamaya for dinner."

"Ginagawa mo na naman akong bata."

"Hindi kita ginagawang bata, iniiwas lang kita sa stress at sakit ng ulo dahil for sure ay makikita mo lang doon sina Ryan at Kim. Baka mapatay mo lang iyong ex mo dahil diyan sa nangyari sa iyo."

Natahimik akong bigla dahil partly ay totoo  namang most likely ay iyon nga ang mangyayari kaya naman susundin ko na lang ang payo niya.

"Siya, siya, siya. Umalis ka na at puntahan mo na iyong mga empleyado mo roon."

"I'll be back later."

Ipinagpasalamat kong umalis na siya dahil hindi ko na alam kung paano pa magre-react sa mga pinagsasasabi niya pati na rin sa mga ipinapakita niya sa akin.

Ilang beses akong natigilan kanina sa clinic habang pinapakalma niya ako at pinahihinahon habang ginagamot ang sugat ko. Maging ang pagsasabi niyang hindi siya nagpapanggap at lahat ng ipinapakita niya ay totoo.

So totohanan na bang kami?

Hindi talaga siya nagbibiro?

Ilang beses akong nagpailing-iling para lang alisin ang lahat ng iyon sa utak ko. Hindi ko talaga alam kung anong trip niya lately, kahit pati ako ay naguguluhan na rin.

Balak ko sanang matulog saglit dahil wala naman akong ibang pwedeng gawin, ngunit bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at iniluwa noon si Chu na halata ang pagod sa mukha. Punas-punas din nito ang pawis na marahil ay dala pa nang pagsubstitute niya kay Jae sa laro kanina.

Umupo ito sa sofa na nasa tabi ng kama ko at saka nagrereklamong tumingin sa akin.

"Problema mo, girl?"

"Tinatanong mo talaga kung anong problema ko? Sana i-try mo sumali sa laro nila at ma-pressure na hindi sila pwedeng matalo. Nakakaloka, naubos yata 'yong baon kong energy para bukas."

Natawa naman ako sa sinabi niya dahil tama ang hula ko na dahil nga iyon doon, marahil ay napagod talaga ito ng husto sa ginawa niya. To think na hindi namam siya parte ng JYB at naimbitahan lang kami.

"Hayaan mo na, nakalaro mo naman iyong ibang boys na bet mo."

"Buti sana kung nakatsansing ako, kaso girl, puro bola ang dumampi sa balat ko kakabato nila. Mga galit na galit, akala mo mga kasali sa olympics. Lalo na iyang si Ryan."

Otomatikong nag-init ang ulo ko pagkarinig ko sa pangalan ng lalakeng kanina lang ay gusto kong bugbugin. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako masusugatan at madadala sa clinic kaya humanda talaga siya kapag nagkita kami.

"Bakit, anong ginawa sa iyo?"

"Pagkaalis ninyo kanina ni Sir Jae biglang nagbeast mode."

"At bakit siya magbe-beast mode? Siraulo ba siya?"

The Story Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon