Chapter 40: It's A Surprise

1.1K 36 0
                                    

Nasa bahay na ako nang makatanggap ako ng tawag mula kay Aadrien, he was asking if I got home safe at sa totoo lang ay hindi ko alam ang isasagot sa kanya. 

Paano ko sasabihing nakita ko si Jae? How will I tell him na parang gusto ko nang bawiin ang lahat ng sinabi ko kahapon? Paano ko sasabihing hindi pa ako okay? 

Ayokong sabihin niya sa aking I told you so, na ito iyong iniiwasan niyang mangyari. 

Ayokong isipin niya na hindi totoo lahat ng sinabi ko sa kanya kaya kailangan kong panindigan ang lahat ng ito. 

"O-oo, n-nakauwi na ako. Ikaw ba? Kamusta iyong naging meeting mo?" Itried to sound casual para hindi na siya magtanong pa at ipinagpasalamat kong hindi niya napansing parang nauutal ako. 

"It went well, okay naman ang lahat. I'm sorry at hindi na kita nasundo. I tried calling Chu and maple per ang sabi nila ay hindi ka nila kasama. When i called the office ang sabi naman nakaalis ka na, tinawagan din kita pero hindi ka naman sumagot so I assumed na nakauwi ka na."

"Naku, pasensiya ka na. Nasa coffee shop ako kanina, bumili ako ng cake kasi bigla akong nag-crave." sabi ko pa sa kanya while I check my phone kung may tawag nga siya, it's true, tinawagan niya nga ako kanina. Marahil noong nasa coffee shop ako.  "H-hindi ko nakita na may missed call ka."

"Are you okay? Bakit parang may iba sa boses mo ngayon? May sakit ka ba?" He worriedly ask me at mabilis ko naman iyong tinugon. 

"Ayos lang ako, baka sa pagod sa byahe kaya din ganito iyong boses ko." 

"Okay, for a moment I thought may sakit ka. Isa pa, gusto mo pala ng cake, bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin?"

"Nasa meeting ka, alangan namang istorbohin pa kita dahil lang gusto kong kumain ng cake."

"But I like it when you come to me on favors like that, isa pa, boyfriend mo ako. Dapat lang naman sigurong gawin ko ang mga bagay na makakapagpasaya sa iyo." 

Parang hinaplos ng kung ano ang puso ko pagkasabi niya noon.

Adrien's an ideal boyfriend, he see to it na maayos palagi ng kalagayan ko. He always make sure to put me first before anything else and he never fails to make me feel special. Kaya naman natatakot akong masaktan ko siya.

Hindi pwede, hindi siya pwedeng masaktan nang dahil sa akin. 

"Eli, nandiyan ka pa?" mayamaya pa ay narinig kong sabi niya mula sa kabilang linya. Mabilis naman akong sumagot para malaman niyang naririnig ko siya. "Oo, nandito pa."

"Sige, magaphinga ka na. Aalis tayo bukas."

"Ha? Saan tayo pupunta?"

"Basta, see you tomorrow, Eli." He said afterwards, tapos ay ibinaba na niya ang tawag. 

Natulog ako nang gabing iyon nang maraming iniisip, hindi ko na namalayan kung anong oras ako nakatulog. 

Kinaumagahan, maaga pa lang ay nasa labas na ng bahay ko si Adrien. He's wearing a white polo na bukas ang mga butones habang sa loob naman noon ay isang light blue na tshirt, nakadenim siya na pantalon at sneakers kaya ipinagtakha ki kung bakit ganoon ang porma niya. 

Wala ba siyang pasok?

"Ano iyang suot mo? Saan ka pupunta?" natatawang sabi pa niya sa akin. 

"Papasok, ikaw ba?" siya naman ang tinanong ko at doon na siya tuluyang natawa, hindi ko alam kung maiinsulto o maiinis ba ako sa tawa niyang iyon pero hindi ko magawang magalit dahil parang ang gaan ng awra niya. 

Somehow it made me comfortable at kahit papaano ay nabawasan ang isipin ko gawa ng nangyari kahapon. 

"Papasok? Sino namang nagsabing papasok ka?" Sumeryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin at saka ako hinawakan sa balikat. Pinihit niya ako patalikod sa kanya at saka iginiya papasok muli sa bahay ko. 

The Story Of UsWhere stories live. Discover now