Chapter 28: Lauren

1.3K 42 0
                                    

Ilang oras pa ang lumipas ay narating na namin ni Jae ang rest house niya na tutuluyan namin sa Batangas. Hawak niya pa rin ang isang kamay ko na hindi niya na binitawan simula pa kanina maliban sa lang sa mga pagkakataong kailangan niyang gamitin ang isa niyang kamay sa pagmamaneho. Lumipas ang buong byahe na masayang tumitibok ang puso ko nang hindi ko alam kung bakit.

"We're here."

Tinignan ko ang paligid sa labas ng sasakyan at nakita ang isang magandang tanwin. It was a house by the beach at ilang hakbang lang mula sa bahay ay naroon na ang dalampasigan. Binuksan ni Jae ang bintana para mas makita ko abg kapaligiran at mula rin sa kinaroroonan namin ay dinig ang alon na humahambas sa buhanginan. Lalong sumaya ang puso ko kaya naman napatanong na ako sa kanya.

"Sigurado ka bang trabaho ang ipinunta natin dito?"

"Oo naman, pero kung gusto mo rin namang mag-relax wala namang problema. The whole house is ours." Sabi pa niya sabay ngiti sa akin.

"Siraulo, tawagan mo na iyong supplier ng materials na sinasabi mo para mapuntahan na nati at nang makabalik kaagad tayo pa-Manila."

"I already did,"

"Talaga?"

"Yep, that's why nalaman kong hindi pa available iyong kausap ko until tomorrow afternoon."

"Ha?" Gulat na sabi ko pa nang marinig ang sinabi niya sa akin. "Eh bakit ngayon tayo nagpunta? Don't tell me na dito tayo mag-oovernight?"

"Well, obviously yes. Ayoko namang umuwi ng Manila tapos bumalik ulit dito bukas. Nakakapagod mag-drive. Isa pa, may tutuluyan naman tayo so you don't have to worry."

Bumaba ng sasakyan si Jae at saka kinuha ang bag niya sa likod.

May bag na dala?

Prepared?

Samantalang ako eh sarili ko lang ang dala ko.

"Paano iyong susuotin ko? Iyong damit ko? Sarili ko nga lang ang dala ko." Naiinis na sabi ko pa sa kanya.

"Don't worry, Eli. I already got you covered. Inexpect ko nang sarili mo lang ang bibitbitin mo kaya nagdala na ako ng damit para sa iyo."

"Eh iyong mga unde-"

"Meron na rin," sabi pa niya sabay pakawala ng isang pilyong ngiti.

"Paano mong nalaman iyong size?"

"Nakita ko nang lahat iyan, kaya I know what to get you."

Doon ko na siya hinampas ng malakas sa braso.

"Siraulo."

"Biro lang, I brought two sizes. Isukat mo na lang. Kung hindi magkakasya, bibili na lang tayo mamaya sa bayan."

Inabot niya sa akin ang tatlong paper bags, ang dalawa roon ay naglalaman ng mga damit na hindi ko naman alam kung masusuot kong lahat sa dami at ang isa naman ay naglalaman ng mga underwear. Sinilip ko iyon at nakita iba-iba nga ang sizes kaya hindi ko napigilang matawa.

"What?"

"Para ka kasing sira, sana sinabi mo na lang sa akin para nakapagdala ako ng gamit ko."

"Sus, nung malaman mo nga lang na isasama kita rito parang ayaw mo pang pumayag tapos magdadala ka pa ng gamit mo. Okay na iyan, I like doing favors for you. Ikaw lang naman 'tong hindi makaappreciate." Nangongonsensya pang sabi niya sa akin.

"Grabe ka, para nanang sinabi mong ang manhid ko."

"Sa iyo iyan galing ah."

"Baliw."

The Story Of UsWhere stories live. Discover now