Chapter 38: Proposal

1.1K 42 0
                                    

"I can see that you  have met my boss, the owner of Lidies. Mr. Jae Yuan Brillantes," tapos ay sunod nitong pinakilala ang sarili niya. "By the way my name is Bryan, nice to meet you all." He extended his hand at wala na kaming ibang nagawa kung hindi tanggapin iyon. 

"I'm sorry, there must be a confusion over here." Si Maple na ang nagsalita dahil wala nang gustong magsalita sa amin. Nakita ko mula sa kinauupuan ko ang itsura ni Chu at gayon din si Adrien na tahimik lang na nakaupo sa tabi nito. "We thought that the owner's name is Ms. San Francisco, paanong ang lalake- I mean paanong si Mr. Brillantes ang may ari ng Lidies? Hindi ba at siya ang CEO ng JYB Interiors?"

"Oh, you know him ah. Anyways, the actual owner is really Mr. Brillantes here, Ms. San Francisco on the other hand is Lidies manager, nasa USA pa siya at next week pa ang dating laya kami na ni boss Jae and nagpunta sa presentation today."

"San Francisco? Lauren San Francisco?" bigla kong singit sabay tingin kay Jae na nakatingin lang rin sa akin. 

"Yeah, siya nga. I'm impress, you know your client well." muli namang sabad ni Bryan, he is casually sipping his coffee na para bang wala siyang kaalam-alam sa tensyon na namumuo sa paligid. 

"We will not push through with the presentation," nagulat ang lahat habang sabay-sabay kaming napatingin sa gawi ni Adrien na siyang nagsalita. 

"W-what do you mean you're not pushing through with the presentation?" muntik pang maibuga ni Bryan ang kape niya matpos ang sinabi ni Adrien. 

Si Adrien naman ay nanatili lang na seryoso habang nananatiling nakatingin sa akin pagkatapos ay kay Jae. 

"Maybe your company can find another suitable construction firm para tumanggap ng project ninyo, I am sorry but I don't think we can accommodate another project since we're already loaded."

"Ha?" hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Bryan nang hindi ito makumbinsi sa dahilang sinabi ni Adrien. 

Tinignan ko ito, he's looking for an answer sa mga mukha naming lahat para sabihing nagbibiro lang ito ngunit sa halip na sumagot ay bumaling ako kay Adrien na katabi ni Chu, his eyes are telling me na siya na ang bahala and that i should stay out of it pero nagsalita pa rin ako at niyaya siyang lumabas saglit. 

I can see by the look in his eyes na ayaw na niyang patagalin pa ang usapan pero nagpumilit pa rin akong makausap siya. Lumabas kami saglit habang naiwan naman sina Chu at Maple sa loob, pati na rin si Jae at Bryan na gulong-gulo na sa nangyayari. 

Nagtungo kami ni Adrien sa opisina nito at doon nag-usap, convincing him to push through with the presentation as planned. 

"Why?" 

Sandali akong hindi nakasagot nang tanungin niya ako kung bakit, sa totoo lang ay hindi ko rin alam. Nababaliw na yata ako, nababaliw na yata ako para gustuhing tanggapin ang trabahong iyon kahit pa alam kong hindi magiging madali ang lahat. 

Nag-isip ako ng pwedeng sabihin kay Adrien, I want to convince him na magpresent pa rin kahit pa alam kong buo na ang desisyon nitong bitawan na ang Lidies. "Ayokong namang isipin ni J- ng lalakeng iyon na porket may nangyari noon na hindi maganda sa min eh idadamay na natin ang kompanya niya. Besides I heard na maraming affiliated na company ang Lidies na pwede nating makuha kapag nakuha natin sila."

"Kaya nating kumuha ng kliyente kahit pa wala sila, Elijah." Walang gatol na sabi niya pa sa akin. "Besides, i can't imagine you working with him pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan mo noon. at sa lahat ng nangyari, sa tingin mo ba magiging komportable ako na makasama mo siya?"

"Let's not be too personal on things, Adrien. Trabaho 'to at alam mong ayoko sa lahat ay iyong nahahalo ang trabaho sa personal na buhay ko."

Nag-isip siya saglit bago ako tinignang muli. "You know I have a bad feeling about this project, Eli."

"Please, Adrien. Let me do this, do it for me. Pumayag ka na, besides, magpepresent pa lang naman tayo. That doesn't mean na tatanggapin na nila iyong presentation natin, ayoko lang masayang iyong ginawa ng team ko para sa project na ito."

  "How about you? Will you be okay?" buong pag-aalala niya akong tinanong matapos niyang hawakan ang kamay ko. 

"I'll be fine, okay na ako at nandiyan ka naman for me kaya wala kang dapat ipag-alala sa akin." hinaplos ko ang kamay niya at saka ko siya nginitian. 

Ilang minuto pa ay muli kaming bumalik sa meeting room kung saan namin sila iniwan kanina, nakatingin at naghihintay ng sagot sila Chu at Maple pagkakita pa lang sa akin samantalang si Adrien naman ay nanatiling nakatayo. 

"We'll present our proposal, Ms. Gonzales here prepared the materials and she will be the one presenting today."

Tila naman nabunutan ng tinik si Bryan na napahawak pa sa dibdib nito matapos sabihin ni Adrien na itutuloy namin ang presentation, sina Chu at Maple naman ay hindi makapaniwala sa nangyayari. They both mouthed 'why' na hindi ko naman na pinansin pa, sa halip ay inilabas ko ang laptop ko at nagsimula akong ihanda ang mga materials na ipepresent ko sa kanila. 

Hindi sinasadyang napatingin ako kay Jae na nakatingin rin pala sa akin, wala akong mabasa sa kanya at hindi pa rin siya nagsasalita mula kanina kaya hindi ko eksaktong alam ang dahilan kung bakit nandito siya o bakit ginagawa ko ang bagay na ito. 

Isa lang ang alam ko, ayokong magmukhang bitter at unprofessional sa harapan niya kaya pinili kong magpatuloy. Walang kapatawaran ang ginawa niya sa akin noon at walang katumbas ang sakit na pinaramdam niya sa akin pero hindi ko hahayaang maapektuhan ng presensiya niya ang trabaho ko. 

I will not let him get the best of me. 

Hindi na ulit at hindi na ngayon. 

Matapos kong ihanda ang laptop ko at ang projector ay nagsimula na ako sa presentation ko. I make sure to make an eye contact sa lahat lalo na kay Jae para marealize niya na walang epekto sa akin ang pagbalik niya, na hindi ako apektado ng ideya na nanditi na ulit siya. 

I continued with my presentation, nakita kong walang kainte-interest na nakatuon lang sa celphone niya si Chu at si Maple naman ay nakatingin lang sa akin buong oras. Alam ko kung bakit at naiintindihan ko kung bakit sila ganoon, kaya sa huli ay hinayaan ko na lang muna sila, i need to finish this presentation.

Para sa sarili ko.

"Let's do it, I like how the idea was presented. It captures the essence of what Lidies' vision is all about and that's very important para sa makakapartner namin in building our first office here in Manila."  

"So..." si Chu ang angsalit na halata namang walang kagana-gana.

"We'll accept the proposal and we want you to be our partner in building our future here in Manila." diretsong sabi ni Jae habang nakatingin sa akin.

"Thank you for your presentation, Ms. Gonzales. I am looking forward to be working with you, please take care of us." he even extended his hand para kamayan ko siya. 

I hesitated for a while pero kalaunan ay tinanggap ko rin iyon. Nakipagkamay ako sa kanya, I felt electricity run all over my body the moment na hawakan ko ang kamay niya. Bahagya niya pang pinisil iyon na siya namang dahiln kung bakit binawi ko agad ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

"Thank you, we'll prepare the contract and hand it to you after a week." tipid na sabi ko habang nagpatuloy akong ligpitin ang laptop na ginamit ko. 

"Kung wala na kayong tanong," Si Adrien iyon na bumaling pa kina Bryan at Jae. "We'll see you in a week, Bryan." he extended his hands para kamayan ito na inabot naman ng huli, sunod siyang tumingin kay Jae at inilahad ang kamay para makipagkamay dito. I can sense tension between the two of them at alam kong ganoon din sila Maple at Chu na halos magkasunod pa akong siniko. "Mr. Brillantes?"

"Thank you, Mr. Luarca."

"You're  welcome." 




The Story Of UsWhere stories live. Discover now