"Are you okay? You seemed bothered, may problema ba?" Sunod-sunod ang naging mga tanong ni Adrien nang marahil ay mapansin nitong nakatulala ako.
Hindi ko alam kung kailan pa niya ako sinimulang kausapin at hindi ko na rin alam kung gaano na ako katagal na nakatulala. Parang hinila lang ako pabalik sa reyalidad nang maramdaman kong hinawalan niya ang kamay ko.
I look at him worriedly, thinking na baka nag-aalala na siya sa kinikilos ko.
I can't help it, after what I have learned yesterday from Lidie pati na rin ang pakiusap ni Jae na pakinggan ko siya, pakiramdam ko ay lalo lang akong naguluhan sa mga nangyari at mangyayari pa.
"A-ayos lang ako," minabuti ko na lang na ngumiti, pinanalangin ko ring hindi nahalata ni Adrien ang pagiging alangan ko sa sitwasyon.
The last thing that I want is for him to feel that there's something wrong with me, with us. Ayokong masaktan siya at ayokong malaman niyang I am beginning to doubt my own feelings.
It's not that I don't love him, mahal ko siya at ramdam ko iyon pero hindi ko maitanggi ang katotohanang patuloy akong ginugulo ng mga isipin ko na may kinalaman kay Jae.
Kinukwestiyon ko ang sarili ko nang mga sandaling iyon, pinapagalitan at pinagsasabihan na mali ang nararamdaman ko.
Na wala na dapat akong nararamdaman pa.
"May problema ka ba, Eli? Kanina ka pa balisa, masama ba pakiramdam mo? Gusto mong magpahinga muna?"
Sunod-sunod akong umiling, tapos ay nginitian ko siya na para bang walang nangyayari.
"I'm okay, pagod lang siguro. But I'll be okay."
"Sige, pero kapag hindi mo na kaya you can always tell me."
"H-ha?" I look at him with confusion, ako lang ba iyon o sadyang may laman ang sinasabi niya sa akin.
"I mean kung sumama pa iyang pakiramdam mo, sabihan mo ako. I can just get yiu home and we can have this dinner some other time." He smile at me, showing his angelic face and his warm gesture.
He held my hand, gently pressing it as if he's telling me that it's okay.
Pero sa halip na gumaan ang pakiramdam ko ay lalo lamang iyong bumigat. Seeing him like that makes me think that I might be unfair to him.
Na iniisip ko ang ibang tao gayong siya naman ang kasama ko.
Wala sa loob na nayakap ko siya, I feel the need to dahil kung hindi ay magsisumula na akong mainis sa sarili ko. I am beginning to feel the betrayal of my own self, at hindi iyon maganda para sa akin... para sa amin ni Adrien.
"Why?" he asked, tapos ay naramdaman kong tinapik niya ako sa likod.
"W-wala, I just wanted to hug you and say sorry kung may mag pagkukulang ako bilang girlfriend mo."
Narinig ko siyang mahinang tumawa dahilan para kusa akong humiwalay sa kanya. Tinignan ko siya at nginitian lang niya ako na para bang wala siyang kahit anong maling nakikita sa akin.
"What you're doing is more than enough to make me happy, Eli. I am not asking for more, ang gusto ko lang ay makita kang masaya."
Bigla akong nalungkot sa mga sinabi niya, alam kong wala siyang ibig sabihin doon at ang gusto lang niya ay ang pagaanin ang loob ko pero kabaliktaran noon ang nararamdaman ko.
At habang tumatagal ay lalo ko lang nararamdamang nagiging unfair ako sa kanya.
He has done nothing to me but pure kindness, simula noong mga panahong wala akong makapitan hanggang ngayon na nalilito ako, he's always there to make me feel good.
Na hindi ko kailangan umeffort para sa kanya, that he is contented sa kung anong kaya kong ibigay.
From there I wished that this confusion would just disappear ang gon away. Ayoko ng ganitong pakiramdam at ayokong dumating ang pagkakataon na masasaktan siya ng dahil sa akin.
"What you're doing is more than enough to me, Eli. And don't ever think na may mali sa iyo... sa atin."
"P-pasensiya na."
"Don't be sorry, basta whatever it is that's bothering you, you can always tell me. You can tell me everything, Eli."
"Alam ko,"
"I love you, always remember that."
I can feel his sincerity. Alam kong mahal niya ako at ramdam ko iyon and sometimes I wish that I can give him kahit na kalahati man lang ng pagmamahal na ibinibigay niya sa akin.
I want to make him feel secure on what we have. Gusto kong maramdaman niyang siya na lang talaga, na siya naman na talaga pero bakit may bahagi ng puso ko na nagdidiktang hindi dapat iyon ang magyayari.
May bahagi ng puso ko na hindi ko maintindihan.
I hate this feeling and I hate myself for feeling this way.
"You can always tell me everything, Eli. Just like before, gusto kong maintindihan ka o iyang mga desisyon mo. I wanted to support you in everything you do, hindi kita kokontrahin at wala kang maririnig sa akin at isa lang ang hihilingin ko sa iyo."
"A-ano iyon?"
"Trust us, whenever you feel like falling for someone or wanting someone in an instance, just remember that I am here. Hindi kita iiwanan at pababayaan."
"Alam ko."
Narinig ko siyang bumutong-hininga pagkatapos, then he hug me again. Ikinulong niya ako sa isang mahigpit na yakap.
Nakaramdam ako bigla ng guilt, alam kong hindi ko dapat maramdaman ang bagay na iyon pero pakiramdam ko ay nasasaktan ko siya, for him to tell me those things. Alam kong may pakiramdam siyang naguguluhan ako.
I hugged him in return, iyon lang ang alam kong pwede kong gawin ngayon. Iyon lang ang alam kong pwede kong gawin para sa kanya ngayon.
I don't want to hurt him, pero sa sitwasyon namin ngayon ay alam kong nasasaktan ko siya, at kahit hindi niya iyon sabihin sa akin, alam kong nasasaktan siya.
Nasasaktan ko ang taong walang ibang hangad kung hindi ang mapasaya ako, ang parehong taong nanatili sa tabi ko noong mga panahong hindi ko kayang mag-isa, noong iniwanan ako ng kaisa-isang taong kinakapitan ka.
Ng taong nagpangako sa akin ng lahat, he was there when I felt lost at ngayon ay nasasaktan ko siya dahil sa pagbalik ng parehong taong nanakit sa akin.
YOU ARE READING
The Story Of Us
RomanceReunited with her highschool classmate, who's the owner of her company's new project, Eli will have to deal with him and her heartaches from his ex after a night of enexpected turn of events.