VII

195 20 1
                                    

Warning: Violence


The air inside the room we entered intensified the moment all of the 6 Codes scattered to places. I didn't know what to do since I wasn't briefed on what am I supposed to do. The room had a unique setting, it's different from Xintara's usual setting. May nakatayong na mga building mula sa lupa gaya ng Malthus building pero ang iba ay nasisira na. 


New Task:

Cross the line

Extra Task:

Cross the line without killing anyone


Naalala ko ang mga imahe mula sa Elders, kaparehas ng isang imahe ang setting ngayon. Iyon ang huling imahe na tungkol sa lugar kung saan nag-originate ang Malthusians. That image along with someone wearing something like headgear. I stopped reminiscing when I felt something impale my arm, it was a small sharp object. I just stared at it and raised my hand when I saw blood dripping from my left hand.


"It came from my 10 o'clock," I mumbled to myself. I was out in the open so I was an easy target kaya pumasok ako sa isang building. Kailangan kong makita kung nasaan ang finish line kaya pumunta ako sa pinakataas ng building na pinasukan ko.


May mga building na mas mataas kaysa kung nasaan ako pero sapat na ang taas para makita ko ang kabuoan ng buong arena. Lagpas ng mga matatayog na building ay may parang fields at may mga taong nandoon pero hindi sila ang 6 Codes. May hawak silang mahabang parang barrel at hindi ko alam kung para saan 'yun. Pagkalagpas nun ay ang maliwanag na finish line. 


Kung tutuosin ay madali lang sanang makaabot doon pero base sa nakikita ko sa baba ay lahat ng mga nakalabas ay madaling nasusugatan na galing sa iba't ibang direksiyon. Napatingin ako sa patulis na bagay na hanggang ngayon ay hindi ko pa tinatanggal. Nag-uumpisa nang kumirot ang braso ko at napupuno na ng dugo ang kaliwang kamay ko. 


How do we get out of here if we're being attacked once we get out or let ourselves be seen? Nagmasid muna ako bago ako gumawa ng plano. Nahagilap ko ang ibang 6 Codes na lumabas sa ibang mga building at nagsimula na silang pumunta sa direksiyon ng fields. Lima ang 6 Codes na magkakasama at ekperto nilang iniwasan ang mga matutulis na bagay na pumupunta sa direksiyon nila. 


May bumalik na isa at kinuha ang iba sa mga patalim sa lupa, pagkahabol niya sa mga kasama niya ay hinagis niya iyon sa mga taong nasa fields at tumama ang mga ito sa leeg ng mga tao. Pagkabagsak ng mga tao ay nagsimula na silang tumakbo papunta sa finish line pero bigla silang tumigil sa gitna, parang nag-uusap sila.


Nakaramdam ako ng kakaiba nang tumingin sila sa direksiyon ko at parang alam nila kung nasaan ako. Binalikan nila ang mga tao na pinatumba nila at kinuha ang hawak nilang barrel. Tinutok ng isa sa kanila ang barrel sa direksiyon ko, sa kuryosidad ay naghintay ako para malaman kung para saan ito. Biglang may liwanag na lumabas mula rito at papunta ito sa direksiyon ko, doon na ako umiwas.


Akala ko ligtas na ako pero pagkaiwas ko ay saka ko lang nakita ang isang 6 Codes na may hawak na tali at papalapit sa akin pero sa kanya tumama ang liwanag na galing sa barrel na 'yun. Pinanuod ko na masunog ang balat ng 6 Code na 'yun hanggang sa makita ko ang kung muscles niya, ang eyeballs niya na hirap tumingin sa iisang direksiyon. She was making weird sounds, like something inside her was hurting. 

CSMR: Data Unknown Where stories live. Discover now