XXV.I

202 19 3
                                    

Warning: Death


Una kong naamoy ang matapang na usok ng pamilyar na sigarilyo bago ko pa maimulat ang mga mata ko at makita kung sino ang nasa harap ko. Nakita ko si Eris na naka-cast ang kaliwang kamay, nakataas ang mga paa sa dulo ng kama na naka-cast din at hawak ang sigarilyo sa kanang kamay. Hindi ko alam kung para saan pa ang oxygen mask na nakasabit sa kanya kung maya't maya niya naman ito tinatanggal para makahithit sa sigarilyo niya.


"Had a good time?" Tanong niya saka inapakan ang sigarilyo, "must be nice to just sleep while everything's turning to complete chaos," saka siya tumayo. Saka ko lang napansin ang saklay na nasa gilid niya.


"Let's see what you did the last time I saw you. You got your ass wanted by Hexagon that got me and Hiraya under suspicion, pero hindi naman sila nagkamali doon. Ano pa ba? You somehow managed to be acquainted with Aidan Ruiz, one of Project Malthus' masterminds na nagtatago lang pala sa kung saan mang sulok ng mundo. You helped them destroy Hexagon's HQ and the best surprise is you woke up the cyborgs," ngumisi siya at mahinang natawa, "I'm so proud of taking you under my wing," nginitian ko siya at bababa na sana ng kama nang may maramdaman akong gumalaw sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Casimir na nasa tabi ko.


"Oh my God, you look like you just woke up and saw the stranger you had a one night stand with," sinamaan ko ng tingin si Eris na mas lumakas ang tawa. Bumaba na ako sa kama pero biglang hinawakan ni Casimir ang braso ko. 


"Oh shit, is this one of those scenes from the movies where the man asks the girl to stay and they'll have some romance shit?" Sinamaan ko ng tingin si Eris pero bumalik ang tingin ko kay Casimir nang mas humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Kinabahan na ako nang mag-isa ang tingin niya sa akin.


"Casimir, snap out of it," sabi ko at pilit na inalis ang hawak niya sa akin pero pahigpit lang ito nang pahigpit. Linapit niya ang isa niyang kamay sa leeg ko pero bago niya pa ako masakal ay may lumapat na baril sa noo niya, nakita ko si Eris na seryosong nakatingin kay Casimir.


"Can I test to what extent can your healing abilities heal you?" She asked with a cold tone. Casimir didn't let go of my neck but he let go of my hand. Eris took her gun's safety pin off, that was when Casimir let me go completely.


"Whatever, you one-eyed version of Erin," Ani Casimir. Agad-agad naman akong lumayo sa kanya at lumapit kay Eris. Hinintay muna ni Eris na magbago ang ekspresyon ni Casimir bago niya tinanggal ang baril sa noo nito. 


"Irya, we need to find Aidan now," paalala ni Casimir nang mabalik na siya sa katinuan. Agad akong tumango nang matandaan ang bilin sa amin ni Raed. Paalis na sana kami pero agad kaming pinigilan ni Eris.


"I got orders for you two to stay put," aniya saka humarang sa pintuan.


"Get out of our way, we need to talk to Aidan now," biglang tumaas ang boses ni Casimir.


"Then tell me and I'll have someone say it to him," hindi nagpatinag si Eris.


"Eris, we also have to talk to Reggie," singit ko bago pa sila tuluyan na mag-away.


CSMR: Data Unknown Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum