II

352 26 3
                                    

"Damn it," I cussed at myself for the nth time.

I was walking in circles and I don't know for how long. Sinubukan ko na pakiramdaman ang drafts gaya ng ginawa ko noong una pero nakailang ikot na ako wala pa rin akong nararamdamang hangin sa baba ng mga pader. I was just following that lord Aerom earlier but the moment he took a turn I already lost him!


"Hello? Can someone hear me?" Halos pasigaw ko nang sabi dahil sa pinaghalong frustration at pagod.


Umupo na lang ako sa sahig at yinakap ang sarili. Paano ako nawala kay lord Aerom? Literal na nasa likod niya lang ako kanina tapos bigla na lang siyang mawawala? Well come to think of it, if he could project a couple of copies of himself then there's a possibility that he could disappear, right? Paano kung nandiyan lang pala siya at pinagloloko niya lang ako?


Tumingin ako sa paligid at nagmasid kung may kakaiba ba pero gaya ng kanina lang ay wala akong makita kundi mga pader lang.


"Why isn't anyone here? I'm so tired." Sinandal ko ang ulo ko sa pader para makapagpahinga ako ng kahit kaunti pero sa segundong lumapat ang ulo ko dito ay tuluyan na akong natumba. Mabuti na lang at naalalayan ko agad ang ulo ko dahil ramdam ko na ang hapdi ng knuckle ko na sumalo sa impact.


Akala ko mababaliw na ako dahil wala pa rin akong naririnig na ingay pero pagtayo ko ay may nakita akong limang mga tao na nakaharap sa sari-sarili nilang screen at mabilis ang mga kamay nilang nagtitipa sa keyboard na nasa harap nila. Mayroon ding tao sa harap na nagbabantay sa kanila. Nakasuot ng navy blue na robe ang taong nasa harap at gaya ng hairstyle ni lord Aerom ay naka slick back ang kanya pero hanggang balikat lang ang haba, nang gumalaw siya ay napansin ko ang brown na hair pin na may simbolong hindi malinaw sa akin kung ano dahil malayo siya sa akin. Ang mga taong nakaharap naman sa mga screen ay pastel blue ang mga robe nila at sobrang ikli ng mga buhok nila, wala rin silang mga hairpin kagaya ng taong nasa harap o ng mga taong nakilala ko na pinagtaka ko kung bakit.


"They are called 'tair'. This class has the children of 'Weko' or the Xintarian class who manages Xintara's economy."


Agad akong lumingon sa likod ko at nakita ko si lord Aerom na hindi ko man lang namalayan na nasa likod ko na pala. Kahit na nainis ako kanina dahil hindi ko siya mahanap ay agad na itong nawala dahil nakita ko na naman ang maganda niyang mukha. Nang igalaw niya ang ulo niya bumalik ang tingin ko sa mga tinawag niyang tair at sinubukang basahin ang mga tinitipa nila sa mga screen nila.


Hindi ko pa nakikita kahit kailan ang mga character na tinitipa nila at ang nakalagay sa screen sa pinakaharap pero hindi ko maintindihan kung bakit parang naiintindihan ko ito. The screen behind the instructor translates to a timer, the tair at the front was writing about social classes, the one beside him(or her) was writing about diets, the one at the very back, and the one near the instructor was writing about some medical issues, and the one at the middle was connecting all of the other four's works. When the timer stopped they all switched places and continued typing like it was their work.


"They're amazing," I told lord Aerom but when I looked at him he was gone again.


"You're more amazing. Disappearing and appearing at will. An annoying habit but whatever," I mumbled to myself and before leaving the room.


CSMR: Data Unknown Where stories live. Discover now