(*/ω\)

194 11 6
                                    

Irya and Casimir Pre-Xintara.

Sa cafeteria ng Bolo Corporation ay kasama ni Irya ang mga Neurologist na kumakain ng breakfast. Ang mga neurologist ang nagbabantay sa mga lagay ng Players ng Gladio Online. Lumakas ang hiyawan ng mga 'to nang dumating si Dr Paula na may malaking ngiti sa mga labi.


"Must be nice to be with our boss so early in the morning," tukso ng sa isa mga doctor.


"What was I supposed to do? He was injured so I tended to him," nakangising sabi ni Paula.


"But you do know that he's not serious, right?" Anang isang doctor.


"Oh, I know that better than anyone. The man's in love with his work so much that no woman could bewitch him," nagsang-ayunan silang lahat. Matagal na nilang alam na kahit ilang babae ang makilala ng boss nila na si Glade Webber ay kahit kailan ay hindi ito mai-in love.


Ang akala ni Paula ay kilala na niya si Glade Webber dahil lang nakakasama niya 'to sa kama pero mas kilala ito ni Irya dahil isa siya sa mga pinagkakatiwalaang colleague ni Glade at parte siya ng sikretong organisasyon nito, ang Project Malthus. Isa si Irya sa iilang mga researcher na pinagkakatiwalaan ni Glade. Ngayon ay may ginagawa siyang project na ilang ilang taon na niyang gustong tapusin pero hindi matapos-tapos.


"How about you, Dr Morniz? We only see you during breakfast but do you have anyone special?" Ngumiti si Irya.


"You could say that," sagot niya, hindi na niya napigilan ang sarili na itanggi.


"You found someone while working in this kind of company? What kind of person are they?" Pinagpatuloy nila ang pag-uusisa sa personal na buhay niya. 


"Hm. What can I say? We're both possessive and it makes us go crazy even we just think of each other with someone else," biglang natahimik ang lahat sa sinagot niya pero wala nang pakialam si Irya.


Tumayo siya at binitbit ang tray niya nang tumunog ang alarm niya. Nagpaalam na siya sa mga doctor saka tumungo sa basement ng Bolo Corporation at tinahak ang tagong lagusan papunta sa isang hideout ng Project Malthus. Tinanggal niya ang lab coat niya at saglit na sinulyapan ang sarili sa salamin. Punong-puno na ng pasa ang braso niya at mga bakas ng electrode ng heart monitor.


"Looking good," Napatingin siya sa silid kung saan naka-isolate ang test subject niya na si Casimir.


Anak ng bodyguard ni Callan Ivanov si Casimir. Nang mamatay ang tatay nito at nalamang nakuha rin ng Roulette Organization si Callan ay linapitan nito si Glade at sinabing gagawin niya ang lahat para matulungan si Callan. Magkasama si Irya at Glade noon nang lumapit si Casimir kaya tinanong ni Glade kung kakailanganin niya ba si Casimir.


Dahil sa project na ginagawa ni Irya ay tinanggap niya si Casimir. Limang taon na silang magkakilala ni Casimir at limang taon na rin pero hindi pa rin siya nakukontento sa research niya. Isa sa mga vision ng Project Malthus ang mabalanse ang populasyon ng mundo at dito naka-focus si Irya. May mga tao nang handa na maging parte ng research niya pero hanggang hindi siya nakukontento sa results ni Casimir ay wala pa siyang gagalawin sa kanila.

CSMR: Data Unknown Where stories live. Discover now