ENTRY | Day Nine: Snowball Fight

118 8 4
                                    


SNOWBALL FIGHT












Weak For You (The Originals)




Sumbakol ang mukha ni Adrianna nang maupo sa bench sa labas ng bahay. Paano'ng hindi? Ang dapat na bakasyon nilang dalawa ni Senri, nauwi sa isang group vacation.

It was supposed to be their quality time, their babe time dahil ilang buwan din silang hindi halos magkasama dahil sa hectic na schedule nilang dalawa sa trabaho. Ngayon na nga lang sila babawi sa isa't isa, may mga asungot pa.

And no, she's not mad. She could never be mad at them, nasasayangan lang siya sa mga plano niyang para sa kanilang mag-asawa na mapupurnada.

Minsan, gusto niya nalang sakalin 'yung dalawang tinamaan ng magaling na kambal na 'yun. Sa dinami-rami ng araw, itinaon talaga sa araw na itinakda niya.

She sighed.

"Are you mad?" Adri felt him sat next to her. She pretended not to feel nor hear him. "Sabihin mo kung galit ka, Adri."

Biting the inside of her cheek, she spoke, "Galit ba 'yung gusto ko kayong sakalin isa-isa at ipatapon sa Pluto para wala nang iistorbo sa'min?"

"Hala siya!" Cain feigned surprise. Humawak ito sa may bandang dibdib niya, animo'y totoong nasaktan. "Ang sakit naman nun, Adri. Parang hindi tayo naging magkakaibigan ng mga ilang dekada."

She raised a brow at Cain, who was pouting beside her like a lost and kicked puppy.

Sorry nalang ito dahil immune naman na siya sa mga ganyang paandar ng isang Cain Woodsen.

When she deliberately ignored him, Cain's pouting intensified, halos kumawala na ang mga labi nito sa kinalalagyan sa tindi nang pagpa-pout nito.

"Grabe naman, Adri!" Cain frustratedly exclaimed. "Hindi epektib 'yung pout ko sa'yo?"

"Hindi ba obvious?"

"Naka-ilang dekada lang tayo ng friendship, ganyan ka na."

"Hindi mo'ko madadaan sa ganyan mo, Cain." she crossed both arms and legs as she leaned back the bench. "Tigilan mo'ko, nagtatampo pa rin ako."

Bigla naman umayos ang mukha ng lalaki at agad na hinawakan ang braso niya, at sa naglalambing na boses, nagsalita si Cain, "Sorry, Adri. Hindi talaga namin alam ni Kambal! Swear! Mapanot man si Jake at Gavin ngayon."

Nadamay pa sila Jake at Gavin sa kalokohan nito, naiiling na isip niya.

She almost, almost chuckled at that. Mabuti nalang st sa loob ng ilang dekada nilang pagkakaibigan, she's learned not to give into the twins's whims and antics. It took her a few years to resist them both, with how Cain and Carly can be so persuasive together at times, oftentimes, no one— except their parents— could actually say no to the Woodsen twins.

"Adri, promise, we'll do our best to be unnoticed while you make baby number two."

Marahas na bumaling siya sa katabi at pinandilatan ito. "Anong baby number two ka diyan?!"

"Oyy," tukso ni Cain, may nakakalokong ngiti pa, "pero nagba-blush siya."

"Tumigil ka nga Cain Woodsen," pinagalit niya kunyari ang boses, "isa, ha, makakatikim ka sa'kin."

"Para mo naman tototohanin."

Ambang susuntukin na niya si Cain nang dumating naman ang ibang mga kasama nila. Nangunguna si Carly na halos takbuhin na ang bench na kinauupuan nila.

"How did it go, Cain?"

Walang may sumagot sa kanilang dalawa. Nagpalipat-lipat ang tingin ni Carly sa kanila, naghihintay pa rin ng sagot.

Her eyes looked past Carly and Riri, she met his gaze and wondered what's running into his mind at that moment. Nakatingin lang din si Senri sa kanya, probably watching her every move to come up with a conclusion for himself.

She noticed him opening his mouth but before he could utter a word, Carly and Riri's arms were around her in an instant.

"Adri, sorry na." naka-pout na sabi ni Carly, mahigpit ang kapit sa kanyang katawan na parang koala. "If it will make you feel better.."

"We'll fly home first thing tomorrow." Rianne supplied, clinging onto her as tight as Carly does. "You can pretend we didn't ruin your perfectly planned vacation."

Parang hihimatayin si Adrianna sa ginagawa ng dalawa. She knew they're doing tricks on her again, alam na niya ang kalibre ng mga kaibigan. Kahit pa sabihin niyang kaya niyang tiisin ang mga paglalambing ng mga ito, may mga pagkakataon talaga na mahina ang depensa niya. Lalo na kung si Carly at Rianne na ang gumagawa.

She looked up in the sky in frustration bago huminga nang malalim. "Hindi naman ako galit pero.." she exhaled. "Apology accepted."

Both ladies squealed frantically right into her ears, she reminded herself to check if her eardrums were still working after that.

"Let go now." she squirmed, trying to get away from their tight hold but to no avail. "I can't breathe, you guys!"

"Okay, okay, ladies.." Senri pulled Carly and Riri away from her, respectively, saving her from her almost doom. "Calm down. Let my wife get some air."

Tumingin ito sa gawi niya and mouthed, I'm sorry. She just nodded at him in reply.

"Dahil mukhang okay naman na ang lahat, baka pwede na tayong umalis?" Cain's voice interrupted. Mukhang badtrip ito, magkatagpo ang mga kilay at tunog masungit. "Hindi ba kayo nilalamig?"

"It's not even that cold yet." nagtataray na sagot ng kakambal kay Cain. "Ang arte mo."

"I told you to bring a coat, you didn't listen." dagdag pa ni Rianne.

Adri carefully crouched down, hoping that no one would notice but of course Senri being Senri, agad itong lumingon sa kanya nang may pagtatakha sa mukha. She put her index finger into her lips, silently telling him not to say anything. Still with a frown, her husband nodded.

She scooped a good amount of snow into her hands and started forming and rolling it into a ball. She looked up to meet her husband's gaze once again, proudly presenting the snowball in her palms.

Senri picked up quickly and carefully crouched down while the three unbothered individuals were still busy arguing and nagging at Cain.

As soon as Senri finished making his own snowballs, they tiptoed away from the three.

Bumaling silang mag-asawa sa isa't isa, wearing an evil smile on their lips, they nodded in agreement before they throw the snowballs towards the direction of their still arguing friends at once.

Saktong bumuka ang bibig ni Cain para sana sumagot sa dalawa nang tumama sa mukha nito ang snowball na ginawa ni Senri, mukhang may pumasok pa sa loob ng bibig nito na ikinatawa nilang mag-asawa.

One of Senri's snowballs hit Rianne at the back of her hair, while Adri's managed to hit Carly's shoulder.

"Wha—"

They all looked at their direction with knitted eyebrows. Bumaba ang tingin ni Carly sa hawak niyang isa pa'ng snowball at inirapan sila pareho. Mabilis niya tuloy naitago ang kamay na may hawak na snowball sa likod niya at kiming ngumiti sa kaibigan.

"Taga hawak lang ako." depensa pa niya. Senri threw her an accusing look na binalewala lang niya. "Promise!"

But it was too late. Three snowballs came flying over their direction, hitting them squarely in the arms, belly and shoulders.

Edi syempre, gumanti rin silang mag-asawa ng bato sa tatlo hanggang sa mapuno ng tili at tawanan ang harap ng mansyon ng mga Sinclaire.

Against All Odds (SA Fan Fic)Where stories live. Discover now