Chapter 10: GUITAR

34 4 0
                                    

Tapos na naming maluto lahat. Well ni Lucas pala hahaha
Hinayaan na namin ang mga bata na kumain sa sala. Kami namang anim ang nasa kusina. Since apat lang kami dito sa bahay, siksikan kami sa mesa.

Chicken Adobo, Chicken Curry, Beef and Broccoli, at Mixed Veggies ang ulam.
The table is set kaya nagsiupo na kami.
Umupo sa kanan ko si Lucas. Sa kaliwa ko naman si Drake.

"Is your finger alright?" Tanong ni Drake.
"Okay na di na mahapdi. Thanks."

Kumakain na kami at ang sikip. Nagkakabangga ang siko namin ni Lucas. Left handed sya ako right dagdag pa ang sikip sa mesa kaya nagkakabangga.

"Ano ba." Reklamo niya
"Eh masikip!" Sagot ko
"Hirap din ako dito"
"Wala kang choice"

"Guys please kumakain tayo." Sabat ni Drake.
Kahit na ang hirap di ko na lang pinansin nanahimik na din naman si Lucas. In fairness sarap ng luto niya.

*Burp*

"Hehehe sorry." Sabi ni William
"Isang patunay na masarap ang hapunan." Wika ni Aurora.
"Thank you for the best dinner Lucas." Pasasalamat ni August.
"Pwede na mag-asawa." Dagdag ni Drake.
"Magkaaway pa nga lang sila ngayon. Hahahaha" ani William
"We'll take care of the dishes." Sabi ng kambal.

Nagpunta na kami sa sala at saglit na nanood ng Netflix. Nang matapos ng kambal ang paghuhugas, nagkayayaan na lumabas sa garden.
Nagkwentuhan ng katatakutan kasama ang mga bata.

"Wala yan Kian. Eto mas nakakatakot, nagcr ako..."
"Stop that William. Ilang beses mo nang kinukwento yan." Sabat ni Lucas.
"Dude imagine di ka pa nagpoop pero..."
Binato ni Lucas ng unan si William.

"Guys...." Nagsalita ako. Nasa akin ang atensyon ng lahat. Nakatingin lang ako straight sa gate.
"Bakit?" Tanong ni August na sumiksik sa tabi ko.
"Nakita niyo ba yun?" Turo ko sa gate.
"Kennedy..." Takot na banggit ni Aurora.

"Wala ka naman 3rd eye. Di mo nga makita sarili mong gamit sa kwarto mo eh, may suot ka nang glasses nyan ah." Wika ni Kian.
Binato ko siya ng unan .

"Hmp. Panira ka! Okay na sana eh!"
"Ano ba yan! Kennedy naman akala ko totoo."

"Wait, nagugutom ako hanap ako pagkain ah Kennedy." Tumayo si William.
"Sure." Sagot ko.
"Sama ako. May kukunin lang ako." Tumayo din si Aurora.

Pagbalik nila may kanya kanya nang grupo. Sila Sharon, Sidney and Amber ay may sariling pinag-uusapan. Si Kian naman ay naglalaro sa cellphone. Nanatili naman kami nila Drake at August sa kinauupuan namin kanina samantala si Lucas nasa di kalayuan nakaharap samin.

"May gitara ka pala Kennedy." Wika ni William na may dala dalang mga snacks.
"Ah oo." Sagot ko.
Bitbit naman ni Aurora ang gitara ko.

"I saw this earlier sa room mo. We haven't heard you play it for awhile kaya naalala ko to." Wika ni Aurora.
"Why don't you sing for us?" Sabi ni August.
"Sige nga Kennedy. Parinig nga." Sabi ni William.

"Uhmm.."
"Sige na Kennedy." It was Drake this time.

Nahihiya talaga ako. Bata pa lang nahilig na ko sa music pero di ako showy sa iba.

"Fine. Once lang ah."
Tumango naman sila lahat.
Nagsimula na ako tumugtog. Maya maya pa ay kumanta na ako.

The Cold Guy Likes MeWhere stories live. Discover now