Foreword

118 8 1
                                    

"What are you doing?"
Tanong ni Lucas matapos bigla nyang buksan ang pinto ng room na palagi nilang tinatambayan nila Drake at William.
"Ah eh a-ano k-kasi ano"
Hindi ako makapag-isip ng maayos.

Sh*t! Bakit kasi si Lucas pa? Kilala syang very cold. Laging nakasimangot, poker face, seryoso, animo'y bitbit lahat ng problema sa mundo. Gwapo sana siya kaya lang masama ugali sobrang sungit.

"I'm asking you. What are you doing?!"

Nanginginig na ako sa lamig ng boses nya. Di ako makatingin ng diretso sa kanya dahil sa takot.
Napansin nya ang nakadikit na papel sa pinto.

Sh*t sh*t sh*t

Kukunin ko sana kaya lang mas mabilis siya. Walang ano ano'y binasa nya ito.
Patay ka talaga Kennedy!

"Confession for Drake huh?"
Sabi niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa sabay bulong sa tenga ko.

"You're far from Drake's ideal type. Sa ayos mong yan di ka niya magugustuhan. Never."

Ramdam ko ang lamig ng hininga niya. Maya maya pa'y may papalapit samin.

"Lucas!"
Sabay kaming napatingin sa may-ari ng boses. Si Drake.
Bago pa man nila ko mamukhaan tumakbo na ko pero narinig ko ang sabi ni William.

"Binasted mo na naman tol? Pangatlo na yan ngayong araw ah."

*
Bumalik ako sa classroom kung saan naghihintay ang mga kaibigan ko.

"So what happened Kennedy? Nasabi mo ba?"
Excited na tanong ni Aurora.
"Magkwento ka dali."Dagdag naman ni August.

They're twins by the way.

Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sila sakin kasabay ng pagpatak ng aking luha.

The Cold Guy Likes MeWhere stories live. Discover now