Chapter 4: GAME

44 7 0
                                    

Days passed na parang normal lang. Nasanay na kami na laging kasama sila Drake. Nakaka-hangout na din kaming tatlo sa tambayan nila. At first nakakahiya but later on kapal na ng mukha namin. Pumapasok na kami nang di kumakatok. Hahaha okay na din yun minsan pag mahabang vacant dun kami nagpapalipas ng oras.

Kasama na din kami sa pinagtitripan ni William. Hirap pa din sila makilala ang kambal kaya madalas ako tinatanong nila.
Si Lucas ganun pa din madalas tahimik. Nakatingin sa malayo, lumilipad ata isip nun.

But the best is close na kami ni Drake! Ang sarap sa pakiramdam na nakikita na niya ako though bilang kaibigan lang pero okay na din yun. Madalas nga lang siyang wala sa tambayan. Kung san siya pumupunta? Ewan ko. Wala naman ako ugaling chismosa, curious lang.

"William!" Sigaw ni Aurora dahil inaasar siya neto.
"Bakit? Hahaha Natalo ka eh!"
"Mahirap tong tanggalin! Waterproof to!"

Reklamo ni Aurora dahil natalo siya sa laro, nilagyan siya ng drawing sa mukha gamit ang sarili niyang lipstick.

"Eh ba't yan pinili mo?" Sabi ni William na tawang tawa pa din.
"I have a make up remover." Sabi ni August.
"Hep hep hep. Bawal yan! The entire day ang usapan ah!" Pagpigil ni William bago pa mailabas ni August ang make up remover.
"Ano ba yan!" Inis na reklamo ni Aurora.

"Another round." Sabi ko.
"Sure!" Sabat ni William.
"Gaganti ako William." Pababanta ni Aurora.
"Hahaha. Dagdagan ko pa yang nasa mukha mo. Dude sali ka."
Napatingin kami lahat kay Lucas na naglalaro sa computer.

"No thanks." Tipid na sagot nito.
"C'mon man. Last round na to." Pagpilit ni Drake.
Sa aming lima, si Aurora pa lang ang may guhit sa mukha palagi kasi siyang natatalo.

"Sh*t" nasabi lang ni Lucas dahil natalo siya sa laro. Tumayo siya at lumapit samin.
"I'll just watch."
"KJ naman neto. Dali na." Pamimilit ni William
"Kennedy convince him."
"Ha?!" Napatingin ako kay Drake nung sinabi niya yun.
"Halikan mo siya kung ayaw niya." Dagdag niya pa.
"What?!" Sabay na sigaw namin ni Lucas.

"Sumali ka na lang." Sabi ko at hinila siya paupo kahit na nahihiya ako.

After few minutes naubos na ang cards nila August, William at Drake.
Leaving the game to me, Aurora and Lucas.
Pinakamaraming cards si Aurora.

"Pano ba yan Aurora parang madadagdagan talaga. Hahaha" pang-aasar ni William.
"You're wrong." Naghagis ng switch card si Aurora at napunta lahat ng cards niya kay Lucas.
"Sh*t" rinig naming nasabi ni Lucas.
Maya maya pa ay. .

"Yes!" Sigaw ni Aurora at napatayo.
Kaming dalawa na lang ni Lucas ang natira.

"Sweet." Sabi ni Drake.
"Teka lang. Maganda to ah." Sabi ni William.

Lahat kami sa room nakatuon ang atensyon sa cards. Sunod sunod na hagis ng cards and after awhile I threw one last card that I have.

"Victory!" Sigaw ko.

Napaupo ako ulit nang titigan ako ni Lucas ng sobrang talim.
"Kasalanan mo to."
"What? Ikaw naman naglalaro eh."

"Okay, okay. Nasaan ang lipstick?"
"No way!!" Tanging nasabi ni Lucas nang pigilan siya ni Drake at guhitan ni William ang mukha niya. Nagpalit sila ng posisyon at nang matapos ni Drake magguhit ay binigay niya ito kay Aurora.

"Your turn." Abot nya kay Aurora pero di niya ito kinuha.
"Uhm..ikaw na lang maglagay Kennedy." Sabi niya.
"Hah?"
"Me too. Ikaw na lang." Sabi din ni August. Halatang takot sila.

Kinuwa ko pa din ang lipstick at lumapit kay Lucas.
"Hurry" sabi ni William dahil nagpupumiglas si Lucas.
"Close your eyes." Sabi ko. Tiningnan niya lang ako at nilapit ko mukha ko sa kanya.
"Close. Your. Eyes." Salita ko ulit at this time sumunod na siya.
Gumuhit ako ng pabilog paikot sa mga mata niya. Nang matapos may naisip akong kalokohan. Ngumiti ako sa idea.

Dahan dahan kong nilagyan ng lipstick ang kanyang labi. Naramdaman niya ang paghawak ko sa pisnge niya at binuksan niya ang mga mata niya. Tumingin pa ko sa mata niya at ngumiti ng nakakaloko. Kung kanina ay nagpumiglas siya ngayon kay huminto na at tinitingnan lang ako.

Animo'y kami lang dalawa ang nasa loob ng room hanggang sa marinig namin ang mga tili. Lahat silang apat nakatayo na may hawak sa cellphone.

"Cute." Wika ni Drake
"Sweet naman." Dagdag ni William
"Bagay pala kayo Kennedy."-Aurora
"Parang magjowa talaga."-August

Nakakahiya man ngunit nung tingnan ko si Lucas, di ko mapigilan tumawa.
Tumunog na ang bell at nagmadali kami tumakbo palabas.

Tawa at halakhak ang sumalubong sa amin sa classroom.
Pagdating ng aming teacher ay agad napansin ang mukha ni Lucas at Aurora.

"Anong nangyari sa inyo?" Tanong ng teacher.

Tiningnan ko si Lucas na inis na inis. Nahuli niya ang titig ko kaya muli akong ngumiti.

The Cold Guy Likes MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon