Chapter 18

829 57 34
                                    

Julie put her hair up in a strict looking bun and opted to wear her glasses the next day at work.

Hindi kasi siya masyado nakatulog nung nakaraang gabi.

Mag-away ba naman sila ni Elmo eh.

It was her fault she knew.

But maybe it was for the best?

She just couldn't stay close to him like that knowing that a relationship between the two of them was out of the question since he was still preoccupied with Jane and what not.

"Hi sa best friend ko na maganda pero mas maganda ako!"

Ayun ang bumungad kay Julie pagdating sa lobby ng kanilang office building.

Ngumiti siya at nakipagbeso kay Maqui.

Saka naman siya tiningnan ng matalik na kaibigan mula ulo hanggang paa.

"Ay? Gandara mo bes ah. Sino target mo akitin ngayong araw? Ah si Elmo okay."

"What? Ikaw talaga." Ani Julie saka naman inangkla ang braso sa braso ni Maq habang hinihintay nila ang pagdating ng elevator.

"Hi guys!"

Napalingon sila sa nagsalita at nakita si Sam na umiinom ng kape sa hawak na Starbucks take out cup.

"Good morning Sam! Ui tuloy tayo mamaya sa Stilts ah."

"Magiinom nananaman kayo." Julie said in that motherly tone of hers.

Tumawa si Sam. "It's Friday Jules! Sayang eh."

"Hindi ka sasama?" Maqui asked. Naguguluhan itong nakatingin sa kanya.

Napabuntong hininga si Julie. Wala siya sa mood siyempre.

Bumukas na ang elevators bago siya makasagot pa.

"Hold please!"

Agad naman inabot ni Julie ang open button sa elevator pero natigilan nang makita kung sino pala ang papasok.

He looked really tired.

Para bang hindi ito nakatulog.

Muhkang nagulat din ito nang makita siya.

"Hi sir!" Sabay bati ng ilang empleyado na nasa loob na din ng elevator kay Elmo.

Tumango naman si Elmo at mahinang ngumiti.

"Uh good morning." He answered as he awkwardly stood next to Julie.

Saka naman nagkatinginan si Maqui at Sam pero hindi nagsalita.

Julie remained calm as she stood quietly just looking at the numbers on the elevator.

Halata ni Julie na gusto magsalita ni Maqui at ni Sam pero parehong hindi makaimik.

At pasimple naman siyang napapalingon kay Elmo na deretso lang ang tingin na tila ba may sine na pinapalabas sa pintuan ng elevator.

Ang malala lang kasi ay metal abg elevator kaya napansin niyang nakatingin ito sa kanya.

Medyo humahaba na ulit ang buhok nito. But at least he was still clean shaven.

Sa wakas ay bumukas na ang pinto sa floors nila.

Unang lumabas si Julie at si Maqui saka naman sumunod si Sam at si Elmo.

Dali dali na dumeretso si Julie sa opisina niya. Nginitian lang niya si Kyline na medyo nalilito sa nangyayari.

Si Maqui ay agad naman na sumunod kay Julie sa opisina.

"Okay ano yon?" Agad na tanong ni Maqui pagkasara ng pinto sa likod.

Nobody Ever Made Me Feel This WayWhere stories live. Discover now