Chapter 44

937 69 9
                                    

Julie's heels clacked as she walked across the lobby.

Good mood na good mood talaga siya.

Kasi sila na ni Elmo!!

Gusto niya magtatalon kaso baka magmuhka siyang tanga.

But there was an extra spring in her step as she made her way over to the elevators.

Nakita niyang nakapila pa doon si Tippy kasama si Sam at Maris.

"Hi guys! Good morning!" Bati niya sa mga ito. Saka naman niya inakbayan si Maris at Tippy.

Nagkatinginan ang dalawa at si Sam ay napatikhim na.

"You're looking very chirpy today Julie." He pointed out with an amused smirk evident on his face.

"Hmm? Ako? Hindi naman ah." Julie said.

Maris lifted an eyebrow. "Anong hindi? E tatalbog talbog kang naglalakad papunta dito?"

"Sino natalbog? Si Bes? Harap saka likod niyan natalbog talaga!"

Nagulat na lang sila nandoon na din si Maqui.

Lumapit ito kay Julie sabay halik sa pisngi ng huli.

Saka naman nito tiningnan si Julie mula ulo hanggang paa.

"Bakit blooming ka?" She asked with suspicious eyes.

Ha?

"Oo nga no." Segunda ni Tippy. "I mean, maganda ka naman talaga Jules pero may something sayo eh."

Sasagot sana si Julie kaso bumukas na ang elevator doors.

"Uhm tara pasok na tayo." Aniya sabay pasok sa loob ng elevator.

Tahimik lang sila hanggang sa nakalabas.

Imbis na dumeretso sa area nila ay sumunod si Maqui papunta sa opisina ni Julie Anne.

Ngumiti si Kyline sa kanilang dalawa.

"Good morning mga ma'am!"

"Good morning Ky." Bati din naman ni Julie saka na pumasok sa loob ng opisina.

Si Maqui ang nagsara ng pinto at naniningkit ang mga mata nitong napatingin sa kanya.

"Nadiligan ka kagabi no?"

Wala man lang preno!

"What? Hindi ah!" Agad na sabi ni Julie.

Totoo naman kasi.

Pero tiningnan ulit siya ni Maqui. "May something sayo eh. Malalaman ko din yan hmp. Marami lang talaga ako gagawin mamaya ka sa akin."

Saka ito lumabas ng kwarto.

Mahinang natawa si Julie.

Kausapin din niya si Elmo mamaya.

It wasn't like they were going to announce it or anything like that. Artista ba sila para iannounce yon? Diba hindi naman?

Napatingin siya sa telepono niya nang makita na nagtext sa kanya si Elmo.

Jirits:

Jirits I have a meeting. Biglaan eh. Sabay tayo maglunch? Treat ko GIRLFRIEND KO 😎

Natawa si Julie. Talagang pinapabitin ang usapan nilang dalawa.

Kaso ayun nga may meeting pa daw ito.

Sayang naman.

Pero ganun talaga. Kapag oras ng trabaho ay dapat na sila magtrabaho.

To Jirits:

Nobody Ever Made Me Feel This WayUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum