Chapter 6

739 67 35
                                    

Julie just got out of the bathroom after washing up. Matapos ay nagapply siya ng skin care routine niya saka humiga sa kama.

Ilang araw na siya hindi nagt-trabaho at sa wakas ay makakabalik na siya sa trabaho bukas.

She plastered her specs on top of her inclined nose.

Minsan talaga nagd-dry din talaga ang mata niya kapag nagsusuot ng siya ng contacts. Minsan kapag puyat ay yung salamin ang kailangan niya suotin.

Mas bulag pa kasi siya sa paniki kapag wala.

Nakasandal na siya sa headboard nang magulat dahil bumungad ang caller ID ni Elmo sa facetime.

She smirked as she answered.

Bumungad ang lalaki na nakasandal din sa headboard ng kama.

"Hindi ka ba nagmamay-ari ng tshirt?" Asar ni Julie sa lalaki.

Wala nanaman kasi ito suot.

"You want me to send you a towel?" Elmo asked as he smirked at her. "Naglalaway ka na kasi."

"Kapal ng muhka mo." Julie smirked again. She took a good look at Elmo. Gwapo na ito kahit makapal ang buhok at may balbas. Pero ngayon na nagupitan na ito ng buhok at nagshave, sobrang gwapo na talaga. "Excited ka na ba bukas?"

Elmo shrugged as he stretched one arm behind his head while the other held his phone.

"Okay lang naman. Just show me the ropes."

"Hindi ako ang kasama mo buong araw no." Natatawa na sabi ni Julie. "Napakaclingy mo talaga sa akin."

Kunot noo siyang tiningnan ni Elmo. "So sino kasama ko buong araw? Who'll show me around?"

"Malalaman natin bukas. Bakit ka napatawag ba?"

"I'm bored. Pwede ba tumambay diyan sa suite mo? Tatlong floors lang naman." Elmo smirked again. Halatang inaasar siya ng lalaki.

Inayos ni Julie ang telepono sa gilid ng kama dahil may stand naman siya doon.

So in Elmo's view she was slightly lying on her side.

Nakita niyang napaubo ang lalaki.

"Okay ka lang?" She asked with her eyebrows furrowed.

"Uhm oo oo." Garalgal pa din ng bahagya ang boses ni Elmo. "Nasamid lang."

Julie chuckled as she looked back at him.

"Nagsasalamin ka pala." Elmo said. Parang ang tagal nitong tinitingnan ang muhka niya.

"Yeah. Proud blurry-eyed girl here." Ani Julie Anne.

Mahinang ngumiti si Elmo sa kanya matapos ihagod ang medyo kulot na buhok.

Shet. Ang hot.

She immediately set a topic. Baka mahalata ng lalaki na namumula na siya eh.

"Kamusta naman ang usapan niyo ng Papa mo? If you don't mind me asking that is." She said as she looked at his face through the video line.

Elmo breathed in as he thought to himself.

Saka siya nagkwento.

"I thought I'd get mad seeing him again you know? Pero hindi. I was just glad that he was smiling when he saw my face."

Nakatingin ngayon si Elmo sa sariling ceiling.

Dito na kinuha ni Julie ang pagkakataon na tingnan ang lalaki. He looked...happy.

Nobody Ever Made Me Feel This WayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon