Chapter 17

863 58 46
                                    

Sabay na lumabas ng opisina si Julie at si Elmo. Pagtingin ay saktong pinagmamasdan pala sila ni Kyline.

Tiningnan ni Julie Anne ang kanyang assistant.

Agad niya itong nilapitan.

"Ky natapon kasi yung kape sa sir Elmo mo."

"Ahhhhhhhh....hatodg." Nakangiti na sabi ni Kyline kay Julie.

Kurutin niya kaya patilya ng bata na ito ano? Julie turned to Elmo who was still wearing his shirt which had a huge coffee stain on it.

"Bibili lang kami ng damit niya."

"Eh so bakit kasama ka pa Ma'am Jirits?" Biglang singit ni Mikoy na umiinom naman ng tsaa. Nakangisi pa ito habang humihigpo sa hawak na tasa.

Napatingin si Julie kay Elmo. "Oo nga Jirits why do I need to go with you?"

"Because it was your fault?" Elmo smirked. "Samahan mo na kasi ako."

"Ah clingy." Bulong pa ni Kyline sabay apir kay Mikoy.

Stressed pa rin na tiningnan ni Julie Anne ang dalawang assistant. Alam naman niyang hindi magdadaldal ang mga ito eh.

Ang problema ay kung ano ang iniisip ng mga ito.

"Samahan ko na si Elmo okay?" Sabi na lang ni Julie.

Medyo naguiguilty na din kasi siya dahil siya naman talaga dahilan bakit natapon ang kape.

"Wala naman pumipigil sa inyo Ma'am Jirits." Ani Mikoy.

Pinaningkitan ni Julie ang lalaki. "So pati ikaw..."

"Galing ko mang impluwensya no Ma'am?" Tawa ni Kyline.

"Ganito pala feeling...it stings." Ani Elmo.

Julie turned to the man. Inirapan niya ito dahil nakangisi lang ang lalaki.

"Fine let's go."

Kahit na may malaking coffee stain ay dumeretso pa din silang dalawa sa mall para mabilhan si Elmo ng damit.

Medyo napapatingin na sa kanila ang ibang tao.

Halata nga kasi ang stain sa suot ni Elmo.

"Will you hurry up with you're walking some people are staring na." Ani Julie habang binibilisan ang paglakad.

Kaso kahit anong bilis naman ng lakad niya ay siyang bagal ng kay Elmo.

The man smirked as he caught up to Julie.

"They're staring because you look pretty."

Sinimangutan ni Julie ang lalaki. "Ugh Jirits."

Pumasok na silang dalawa sa loob ng isang department store.

Agad na lumapit ang mga saleslady para tulungan si Elmo sa pagpili ng polo.

"Sir ano po nangyari sayo? Kawawa naman po kayo!" Ani ng isang saleslady na nagb-beautiful eyes pa kay Elmo.

E kung tusukin kaya ni Julie ang mata ng babae?

Nandon siya diba?

Ay teka hindi nga pala siya ang girlfriend ni Elmo.

Ngumiti lang si Elmo sa mga saleslady.

"Thank you pero I'd prefer to shop on mg own. Okay lang ba?"

"Oo naman po sir! Basta po lapitan niyo lang kami kapag may kailangan po kayo." Ani ng isa na malaki ang binibigay na ngiti.

Julie rolled her eyes as she continued walking around.

Nobody Ever Made Me Feel This WayWhere stories live. Discover now