Chapter 31

913 64 10
                                    

Nasa ibabang pool ng hotel si Julie.

Para na ba siya tanga kasi namimiss na niya kasi si Elmo kahit na isang gabi pa lang silang hindi nagsasama.

Doon kasi kayla Christopher ito natulog nung nakaraang gabi.

She was now lounging on one of the tanning beds at the pool while she waited for Maqui and Barbie.

Gusto lang nila mag relax muna.

"Jules parang ayaw ko tumabi?" Sabi ni Barbie na siya kakaratig lang.

Nakasuot pa ito ng sarong.

Umupo sa may tanning bed si Julie at tinanggal ang suot na shades.

Nakipagbeso ito kay Barbie habang sakto si Maqui ay dumating na din.

Nakasuot na din ito ng bikini at shades.

Humarap si Barbie kay Maqui.

"Maq tamo naman si Julie! Nakakadegrade katabi!"

Mahinang natawa si Julie. It was a compliment. Humiga na siya ulit sa tanning bed.

Humiga na din si Barbie at si Maqui sa magkabilang tanning bed ni Julie at nilingon ulit ni Barbie ang kaibigan.

"Jules nakakahinga ka pa ba?" Natatawang tanong ni Barbie.

Julie chuckled as she looked at her friend. "What? What do you mean?"

"Tingnan mo naman kasi yang boobs mo!"

Napatingin si Julie sa paligid. Ang laki talaga ng bunganga ni Barbie!

"Alam namin ghorl! Malaki talaga boobs niyan ni bes!"

Patay ka sinamahan pa ni Maqui.

Napatingin muli si Julie Anne sa paligid. She looked at the area again. Nakatingin na ang ibang hotel guests sa kanila.

She shook her head and just lied back down on the tanning bed.

"Ang shala talaga ng hotel na ito no. Ano kaya feeling dito tumira?" Tanong pa ni Barbie.

"Ayan o tanong mo si Julie dito sila ni Elmo nakatira eh." Natatawa na sabi ni Maqui.

"Parang mag-asawa lang ang peg ah." Ani naman Barbie.

Julie rolled her eyes although it wasn't seen since she was wearing her shades.

Nakita niya mula sa peripheral na binabaling ni Maqui ang tingin sa kanya.

Si Maqui pa din ang nag-iisang nakakaalam nang kung ano ang meron kay Julie at Elmo.

"Magkahiwalay naman kami ng tinitirhan."

"Oo nga oo nga." Nakangisi na sabi ni Maqui. Pero halata naman sa muhka nito na may iba itong iniisip.

"Teka nga." Sabi ni Barbie at tumayo. "Ihi lang ako nakailang inom kasi ako ng tubig."

Naglakad na ito palayo at agad naman napabaling ang tingin ni Maqui kay Julie.

"So wala pa rin kayo balak ipagsabi sa tao? E hindi niyo nga matiis isa't isa."

"Hindi naman namin kailangan ipagsabi sa kahit sino diba? Do we need to tell it to the world or something like that?"

"Hindi naman pero kasi kayo din nahihirapan para kayong dating magkalove team na nagtatago." Tawa ni Maqui sabay higop sa iniinom na juice.

"Okay nga lang. He seems fine with it. Takot ko lang na idaldal mo."

"Hoy kahit parang armalite itong bibig ko kaya ko mag keep ng secret ah." Depensa ni Maqui sa sarili.

Nobody Ever Made Me Feel This WayWhere stories live. Discover now