Chapter 53

940 67 8
                                    

Ramdam ni Julie na may kumukuha ng dugo sa kanya.

Gising na siya pero inaantok pa rin siya kaya mahinang ungol lang naman ang lumalabas mula sa kanya.

"Jirits? Jirits I'm here."

"Sir wait lang po mag extract lang po ng blood."

"Oh s-sorry."

Narinig ni Julie si Elmo na umupo ulit pero hinawakan nito ang kamay niya.

Naramdaman niya ang pagkuha ng dugo sa kanya pero antok na antok talaga ang pakiramdam niya.

"Okay na po sir."

"Thank you."

Julie moved in place. Naramdaman niyang lumalapit pa ulit si Elmo sa kanya.

She could feel him caressing her face. Doon na napabukas ang mata niya. Dahan dahan lang.

"Jirits!" Elmo said with a relieved tone.

"Jirits? What happened?" Julie asked as she looked at Elmo.

His eyebrows were furrowed in worry as he looked at her.

"Y-You fainted, teka tatawagin ko yung doktor." Umalis ito saglit at nagulat si Julie nang makita na nandoon din si Maqui.

Galing ito sa waiting chairs na nasa gilid.

"Bes—"

"Buntis ka no?"

Natigilan si Julie.

Nakangisi ngayon si Maqui sa kanya. There were no words coming out of her mouth.

Mas lalong napangisi si Maqui. "Diba? Buntis ka?"

"What? I don't know." Julie said.

Bago pa makasagot si Maqui ay lumapit na sa kanila si Elmo kasama ang doktor. Agad naman na tumabi ang huli kay Julie Anne habang nakatingin sa kanila ang doktor.

"Good evening Ma'am, I'm doctor Reyes. Hinimatay daw po kayo sabi ng boyfriend niyo?"

Julie nodded her head. "Y-Yes po doc."

"May history sa family ng hypertension, diabetes?"

Julie shook her head as an answer. "As far as I know doc wala naman po."

"Hmm okay so sabi ni sir baka daw po stressed din kayo sa trabaho kasi, what were you doing bago ka mawalan ng malay?"

Namula si Elmo sa gilid at napakamot sa likod ng ulo habang si Julie ay iniisip kung sasagutin niya ba.

"We were..."

Nakuha kaagad ni Maqui. Halata kasi sa pamumula ng pisngi ni Elmo pati na din ng kay Julie kung ano.

Kaya hindi nito napigilan ang matawa.

Julie cleared her throat.

"Uhm we were...having se—"

"Oh okay then." Putol nung doktor. At least sinalba siya nito. "We drew some blood samples to check for your complete blood count and electrolytes. Also to check if there's a bun baking in the oven." Nakangiti na sabi nito.

Nagkatinginan si Julie at Elmo.

Pero agad na sumabat si Maqui bago sila makasalita.

"Ang haharot niyo mygahd drugs to think na hinimatay ka bes kasi niluhuran mo si Elmo?" Tila naeeskandalo na sabi ni Maqui.

"Maq lakasan mo pa para abot hanggang 7th floor." Asar ni Julie sa kaibigan.

"Kaharutan niyo abot hanggang 7th floor hay jusko. Buntis ka nga no?"

Nobody Ever Made Me Feel This WayOù les histoires vivent. Découvrez maintenant