Chapter 28

1.2K 60 13
                                    

"Tanga kasi crush na crush mo non si Ate Glaiza!" Tawa ni Kiko kay Jak.

They were all very drunk right now.

"Saya sana mag truth or dare kaso ang kaunti natin!" Natatawa pa na sabi ni Ashley.

"Pang bata naman yang truth or dare na yan!" Jak said.

Tumawa pa si Julie. "You're old na kasi Jak!"

"Oi we're all old here!" Tawa pa ni James.

"Ikaw ba Elmo? Tahimik mo naman kwento ka naman." Nakangiti na sabi ni Jak. Medyo namumula na din muhka nito eh.

Elmo only shrugged but had a small smile on his face. "What do you want me to tell you?"

"Taray English." Tawa ni Ashley. "Siguro kapag nagusap kayo nito ni Ate Julie magkaka red sea magmula sa akin."

"Isama mo pa si Kiko saka si James." Naiiling din na sabi ni Jak.

"So basically kami lang talaga mga dukha dito." Tawa pa ni Ashley.

"Grabe we're not that conyo naman ah." Sabi ni Julie.

Tinakpan ni Elmo ang bibig ng babae. "Jirits quiet ka na lang hindi ka nakakahelp."

"O tamo conyo." Tawa pa ulit ni Jak.

Kiko stretched his arms behind his head. "Dare na lang kasi talaga tayo. Maaga pa ang gabi."

"Dude it's 1am." Ani pa James.

May music na galing sa speakers ni James pero mahina lang din naman.

"Hanapan niyo na ako jowa!" Sigaw pa ni Jak.

Agad naman tinakpan ni Ashley ang bibig ng kapatid.

"Kuya raulo ka mamaya ipabaranggay na tayo dito ang ingay mo!"

Hindi pa nakakailang segundo ay narinig nila ang mahinang wang wang ng barangay car.

"Ayan na nga ba."

"Iharap niyo si James! O di kaya si Kiko charming yang mga yan!"

"You know what Jak, just show them your abs." Inaantok na na sabi ni Julie. Sa antok niya ay nakayakap na siya ngayon kay Elmo.

"Guys. Iakyat ko na ito ah. Tulog na eh."

"Wait I'll talk to the baranggay." Sabi naman ni James.

Naramdaman naman ni Julie na inaakay siya ni Elmo patayo.

Nakakatayo pa naman siya pero pumipikit na talaga ang mata niya sa pagod.

"Hey. Jirits. Psst. Taba."

"Hoy. Nahiya naman ako sa taba mo." Ani Julie kay Elmo na narinig niyang natatawa.

"Just checking if you're still awake."

At muntik na mapatili si Julie nang buhatin siya ni Elmo na para silang bagong kasal.

Saka siya nito pinatayo ulit nang makarating sa loob ng kwarto niya.

He slapped her bouncy butt and gestured for her to head on to the bathroom.

"Wash up ka na Jirits. Tutulong ako maglinis sa baba." He winked at her before closing the door behind him.

Napailing na lang si Julie pero nakangiti pa rin na pumasok sa banyo. Ganito ba pakiramdam nang may nag-aalaga sayo? Masarap pala.

Matapos makapag hilamos at punas ng katawan sabay toothbrush na din ay humiga na si Julie sa kama.

Parang nawala bigla antok niya.

Nobody Ever Made Me Feel This WayWhere stories live. Discover now