Chapter 49

961 66 5
                                    

"Bes ang dami hanash ni Alden sa buhay mygahd." Sabi ni Maqui kay Julie.

Nandoon sila sa condo ng Elmo ngayon.

Si Elmo ay nagluluto ng dinner nila habang silang dalawang babae ay nasa may sala.

Napailing na lang si Julie sa tinuran ni Maqui.

Totoo naman.

She was getting really annoyed with that man.

"I mean, I know he's been working longer for the company but to discredit Elmo like that? I mean, si Elmo nga yung anak eh."

"Gets ko naman bes." Sabi ni Maqui. "I mean may mga ginawa naman siya para sa kompanya but is that enough for him to be the next CEO?"

Napaisip din si Julie.

"Siyempre sasabihin ng iba na I'm unfair because Elmo is my boyfriend but he deserves this too."

"Gusto ba ni Elmo?" Tanong naman ni Maqui.

At muli ay natigilan si Julie Anne.

Bago kasi siya makasagot ay lumapit na si Elmo sa kanila.

"Dinner is ready!" Maligalig na sabi ng lalaki at lumapit sa kung saan nakaupo si Julie.

He leaned down and kissed her temple.

"Tigilan niyo yan pwe tara kain na tayo, Magalona dapat masarap ah." Sabi ni Maqui at tumayo na.

She threw a pillow at them.

Tumawa lang naman ang dalawa at saka tumayo na si Julie.

Elmo had his hands on her shoulders as he softly pushed her to the direction of the dining room.

"Wow!" Naliligalig na sabi ni Maqui nang makita ang pagkain.

"Jirits ang bango." Julie said as she sat down.

Elmo made lemon glazed garlic chicken and garlic parmesan too.

"Ito Jirits masarap." Sabi ni Elmo habang naglalagay ng manok sa plato ni Julie.

Sinandukan din nito ng kanin ang nobya.

"Ako Elmo hindi mo pagsisilbihan?"

"Look for your own boyfriend." Julie smirked.

"Yabang. Palibhasa...sus! Tigilan mo nga ako bes! E takot ka nga sa commitment noon!" Sabi ni Maqui. She turned to Elmo. "Pre ano ba ginawa mo? Ginayuma mo best friend ko no? May something ba sa mango farm niyo?"

"Gwapo lang ako." Elmo said.

Julie rolled her eyes as she continued eating. Ang sarap magluto ni Elmo!

Tinaasan ng kilay ni Maqui si Elmo. "Utut mo ang dami dami kayang gwapo na nakapaligid dyan kay Julie kaso manhid. Akala nga namin babae type eh."

"Well there's nothing wrong with that." Julie said. "Pero oo I think Elmo made gayuma of me."

"Baka yung tubig sa may falls." Pagbibiro pa ni Elmo.

Natawa naman silang dalawa habang si Maqui ay nakatingin lang.

"Ha? Tubig sa falls?"

"Sa amin na yon." Julie said with a small wave of her hand as she grinned at her best friend.

Maqui rolled her eyes. "Okay lang masarap naman itong pagkain ni Elmo."

Naubos nilang tatlo yung manok at si Julie naghahanap pa ng kanin!

"Bes saan mo linalagay yung pagkain?!" Tanong ni Maqui sabay silip.

Walang hiya hiya na inangat nito ang shirt ni Julie para mapakita ang bewang.

Nobody Ever Made Me Feel This Wayजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें