Chapter Two

675 37 20
                                    

Sabado ngayong araw, wala akong pasok sa school at day-off ko sa trabaho ko. Mag-aalas dose na ng tanghali pero kakagising ko pa lang.

Nagtanggal lang ako ng muta at sinuklayan ang magulong buhok tapos umalis ako ng apartment para magpunta sa malapit na 7-11 para bumili ng tanghalian ko. Magka-cup noodles lang ako dahil kailangan ko magtipid. Kulang-kulang 400 na lang ang pera ko at kailangan ko pa yung tipirin hanggang sa susunod na linggo.

Pagkarating ko sa may 7-11 ay dumiretso ako sa section ng mga cup noodles at naghanap ng pinakamura na nandoon. Nang makapili ay nagpunta na ako sa may counter para magbayad kaso ng kapain ko ang wallet ko sa bulsa ng suot kong shorts ay hindi ko iyon makapa. Shit! Naiwan ko yung wallet ko!

Napatingin ako sa cashier at binigyan ko siya ng nagaalangan na ngiti. "Ah, naiwan ko kasi yung wallet ko. Babalikan ko na lang 'to mamaya. " Sabi ko sa kanya.

" Sige po, Sir," magiliw na sabi niya sa akin.

" I'll pay for it, " biglang may nag-abot ng one thousand peso sa cashier.

Lumingon ako at nagulat ako ng makita ko si Kalyx. Tumingin din siya sa akin pero agad rin siyang umiwas at ibinalik ang tingin sa cashier.

Sasabihin ko pa lang sana na wag na niyang bayaran kaso nakuha na ng cashier ang pera. Inilagay na niya sa plastic yung cup noodles at resibo tapos iniabot niya iyon sa akin kasunod ang sukli.

"S-salamat," sabi ko kay Kalyx habang inaabot ko yung sukli niya.

"It's nothing," sabi niya habang kinukuha niya yung sukli niya. Tapos tinalikuran na niya ako para umalis pero pinigilan ko siya.

"Sumama ka sa akin sa apartment ko," sabi ko sa kanya.

Hinarap niya akong muli. Nakakunot ang nuo niya at parang nagulat siya sa sinabi ko.

"Why? What are we gonna do there?" Nagtatakang tanong niya.

"Babayaran kita. Nandoon yung pera ko sa apartment kaya sumama ka sa akin para mabayaran kita." Sagot ko sa kanya.

Biglang nawala yung kunot ng nuo niya tapos tumingin siya sa gilid niya at bumulong-bulong. Tapos hinarap niya muli ako.

"You don't need to pay me," masungit na sabi niya bago siya tumalikod at magsimula ng maglakad paalis.

Agad ko siyang sinundan. Sa bilis niyang maglakad ay sa labas na ng 7-11 ko siya naabutan. Humarang ako sa harapan niya.

"Ayaw ko ng may utang kaya sumama ka sa akin sa apartment ko para mabayaran kita, " seryosong aniya ko.

" I said you don't have to pay me. Don't count it as an utang, count it as help," aniya na may pagkairita.

" Hindi pwede! " Hinablot ko yung kaliwang kamay niya tapos hinila ko siya. Sa laki niyang tao para akong humihila ng puno. Nahihirapan pa akong hilain siya dahil nagpapabigat talaga siya.

Malapit lang ang apartment ko kaya agad kaming nakarating doon. Hingal na hingal pa ako at pakiramdam ko talaga para talaga akong humila ng puno.

"You really don't have to pay me," sabi niya pa pero hindi ko iyon pinansin. Sinabihan ko siya na maghintay sa labas tapos nagtatakbo na ako sa loob ng apartment ko. Nang makuha ko yung wallet ko ay agad na akong lumabas pero wala akong Kalyx na nabungaran. Umalis na siya!

Shit! Dapat pala sinama ko siya sa loob!


"Hello, Anak! Kamusta ka na?" Si Mama sa kabilang linya.

"Ayus naman po ako. Kayo po diyan?" Sabi ko habang nagtutupi ng mga damit ko. Nagtutupi ako ng mga damit ko at naisipan kong tawagan sina Mama.

"Ayus rin naman kami. Kamusta pag-aaral mo, 'Nak? Kapag may babayaran ka magsabi ka sa amin,a."

The Guy Who Likes Me(ON-GOING)Where stories live. Discover now