Chapter Three

593 36 14
                                    

Matapos kong magpalit ng uniform na pangtrabaho ko ay lumabas agad ako ng Staff Room. Nilibot ko ng tingin ang buong bar, walang tao kaya dumiretso ako sa may counter para sana makipagkwentuhan kay Carlo pero wala siya roon.

Nangunot ang nuo ko. Nasaan naman kaya ang lalaking iyon? Siguro nasa cr lang. Ipinagpasawalang-bahala ko na lang ang pagkawala ni Carlo at naisip ko na lang na magwalis-walis sa paligid.

Nagwawalis ako nang biglang may pumasok na customer. Dumiretso sa may counter at naupo sa upuan na nandoon. Lumingon-lingon siya sa palagid at tila nagtataka kung bakit walang bantay.

Agad ko siyang nilapitan.

"Hi, Sir!" Bati ko sa lalaki pagkalapit ko sa kanya. Napatingin siya sa akin.

"Nasaan ang bartender?" Tanong niya.

"Ah, Sir, baka nasa cr po. Pwede po bang maghintay muna kayo dito, tatawagin ko lang po siya? "Magalang na pakiusap ko sa lalaki.

" Sure, " nakangiting tugon niya.

Agad naman ako na tumungo sa cr. Wala kaming cr sa staff room kaya sa cr ng mga customers din kami nagsi-cr. Usually naman hindi nagtatagal si Carlo sa cr dahil kailangang-kailangan siya sa counter, ano kayang nangyari sa kanya?

Pagbukas ko ng pinto sa cr ng mga lalaki ay wala akong nakitang tao. Nakabukas lahat ng mga cubicle kaya hindi na ako nagabala pang silipin ang mga iyon isa-isa. Nangunot na naman ang nuo ko. Nasaan si Carlo?

Akmang lalabas na sana ako nang makarinig ako ng mga impit na ungol. Base sa pandinig ko ay nanggagaling ang mga iyon sa may dulong cubicle. Hindi ko alam kung dapat ko bang alamin kung ano o kanino nanggagaling ang mga impit na ungol na iyon pero dahil sa kuryosidad ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa may dulong cubicle. Napakalakas at napakabilis ng pagkalabog ng dibdib ko. May hula na ako sa kung ano ang aking masasaksihan pero tinuloy ko pa rin ang aking balak.

At tama nga ang hula ko. Si Carlo nga iyon.... at si Christine! Naghahalikan sila! Nakapalibot ang kamay ni Christine sa leeg ni Carlo habang nakasandal siya sa pader ng cubicle. Yung mga kamay ni Carlo nakapasok sa loob ng suot na uniform ni Christine, nakahawak ang mga iyon sa dibdib ng babae.

Literal na nanlaki ang mata ko sa aking nasaksihan. Aalis na sana ako bago pa man nila ako mapansin pero huli na ang lahat. Nakita na ako ni Christine, agad niyang tinulak palayo si Carlo. Napatingin sa akin si Carlo at halatang nagulat din siya kagaya ni Christine.

Agad na napuno ng akward na aura ang paligid. Hindi ako makatingin sa kanila at ganoon rin ata sila sa akin.

Saglit na biningi kami ng katahimikan ng ako na ang naglakas-loob na magsalita.

"Ah, Carlo.... may customer...."


Nasa may parking lot ako ng bar. Pasado alas siete na ng gabi. Break ko ngayon, kumakain ako ng panghapunan ko. Usually, sa Staff Room ako kumakain kasama si Carlo pero dahil sa nangyari kanina bigla akong nawalan ng mukhang maihaharap sa kanya at kay Christine.

Huhu! Sana hindi ko na lang pinansin yung mga ungol kanina. Mawawalan pa ata tuloy ako ng kaibigan.
   
Matalik na kqibigan ko si Carlo, malulungkot talaga ako kapag hindi na niya ako pinansin.Nakasimangot na nilalantakan ko ang pagkain ko ng makaramdam ako ng presensya sa gilid ko.

"Uyy," si Carlo.

Napatayo ako. "Uyy," aniya ko rin sa kanya tapos agad akong nag-iwas ng tingin. Nahihiya pa rin ako!

Katahimikan.

"Sorry nga pala kanina."
"Sorry nga pala kanina."

Sabay na paghingin namin ng sorry ni Carlo tungkol sa nangyari kanina. Napatingin kami sa isa't isa.

The Guy Who Likes Me(ON-GOING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن