Chapter Twelve

305 23 23
                                    

"Pakshet, Pare! Yung kaklase nating si Hiro? Para talagang babae, 'no? Tangina libog na libog ako sa kanya kanina nung umupo siya sa kaharap kong upuan!"

"Oo nga, Pare! Tangina hindi ako bakla pero magpapakabakla ako matikman ko lang siya! "

" Tangina ako din! Susubukan kong ayain kapag ayaw idadaan ko sa sapilitan! "

Nagpantig ang tenga ni Kalyx nang marinig niya ang pag-uusap ng mga lalaking iyon. Nasa may likod na bahagi sila ng university. Nandoon si Kalyx para manigarilyo dahil break time naman niya. Hindi niya kilala ang tatlong lalaking iyon pero wala siyang balak na kilalanin pa ang mga ito lalo na ng marinig niya ang pinagsasabi ng mga ito tungkol kay Hiro.

Kalyx was fuming mad. Mabibigat ang mga paa na tinungo niya ang pwesto nung tatlong lalaki. Nagulat ang mga ito ng agad niyang ambahan ng suntok yung lalaking nagsabing idadaan daw nito sa sapilitan si Hiro kapag hindi ito pumayag sa balak nito.

Agad naman na rumesponde yung dalawa pang lalaki at hinuli siya ng mga ito. Bumangon mula sa pagkakatumba yung lalaking nasuntok ni Kalyx at agad siya nitong binawian ng suntok sa mukha. Mas lalong nagalit si Kalyx kaya ginamit niya ang lakas niya para makawala mula sa pagkakahuli sa kanya nung dalawa pang lalaki. Nang makawala siya mula sa mga ito ay sinipa niya sa tiyan yung unang lalaki tapos ay doon naman sa dalawa pang lalaki niya naman binaling ang kanyang galit. Mayamaya lang ay nakahilata na ang mga ito sa lapag.

Nagulat si Kalyx nang paglingon niya sa gilid niya ay nandoon si Hiro. Hindi pa rin nawawala ang galit niya dahil sa tatlong lalaking iyon kaya nang tapunan niya ng tingin si Hiro ay masamang tingin niya ang nasalo nito.

Kita niya ang takot sa mata ni Hiro kaya naisipan na niyang umalis doon. He walked pass Hiro pero saglit na tumigil siya nang nasa harap na niya ito. Gusto niya itong kausapin pero hindi niya talaga mahanap ang mga salita.

'Fuck!'

Sa huli ay naglakad na lang siya paalis ng may panghihinayang. He just wasted another chance para kausapin si Hiro. Kalyx didn't know why he can't find the courage to talk to Hiro. Bakit hindi niya kayang kausapin ito? Anong problema?


"Kalyx, my man!" Bati ng kaibigan ni Kalyx na si Jackson sa kanya after niyang bumaba ng kotse niya.

"Anong meron at bigla kang nag-aya ng inuman?" Sabi naman ni Noel.

"Nakalimutan mo na ba, Noel? Our Kalyx is in love! At dito sa Bar na 'to nagtatrabaho yung babae na 'yun!" Entrada naman ni Kevin na binatukan pa si Noel.

As usual ay binigyan lang ni Kalyx ng cold shoulder ang mga kaibigan. Nauna na siyang maglakad papasok sa Bar na pinagtatrabahuhan ni Hiro. Sanay na naman ang mga kaibigan niya sa ganoon niyang ugali. Hindi naman tatagal ng 15 years ang pagkakaibigan nila kung hindi pa nasanay ang mga ito sa kalamigan niya.

Pagpasok nila sa Bar ay naghanap sila ng bakanteng table. Swerte naman at may nahanap pa sila dahil marami ng tao sa loob ng bar. Nang makaupo sila ay agad na sinuyod ni Kalyx ang buong bar para hanapin si Hiro. Nahirapan siyang hanapin ito dahil sa dami ng tao pero namataan niya pa rin naman si Hiro.

The Guy Who Likes Me(ON-GOING)Where stories live. Discover now