Chapter Nineteen

235 9 12
                                    


"Damihan mo ang kain, Kalyx, ha," sabi ni Mama kay Kalyx nang mag-umagahan kami kinabukasan.

"Yes po Tita," sagot naman ni Kalyx na may ngiti sa labi.

"Naku! Mama na rin ang itawag mo sa akin, huwag ng Tita," tuwang-tuwa namang sabi ni Mama kay Kalyx.

Tumingin sa akin si Kalyx na parang sinasabi niya sa akin na 'your mother likes me'. Inirapan ko lang siya kasi tama naman siya. Gustong-gusto nga siya ni Mama. Hindi lang si Mama kundi pati si Papa at nung mga kapatid ko. Mamaya nga daw ay pupunta kami ng Laurel, Batangas para maligo sa mga falls doon.

"Sige po 'Ma," sabi ni Kalyx kay Mama bago niya itinuloy ang pagkain.

Mabuti na lamang at gusto ng pamilya ko si Kalyx. Kinabahan pa ako sa wala! Bakit ko nga ba naisip na baka hindi siya magustuhan ng pamilya ko,e, siya naman yung tipo ng taong mabilis lang na magustuhan kahit na napakasungit niya sa ibang tao.Tanga na lang ang hindi siya magugustuhan!

"Anak, huwag mo ng pakawalan itong si Kalyx, ha? Naku napakagwapong bata!" Sabi pa ni Mama na hindi na naituloy ang pagkain dahil sa pagtitig at pagkausap kay Kalyx.

"Oo nga, Kuya!" Segunda naman ng mga kapatid ko. Si Tatay naman ay hindi makapagsalita dahil may laman ang bibig nito kaya nagthumbs-up na lamang ito sa akin.

Napatingin muli sa akin si Kakyx at kitang-kita ko na kung gaano lumaki ang ulo niya dahil sa mga puri ng pamilya ko sa kanya. Inirapan ko na lang siya ulit.

"Huwag po kayong mag-alala, hindi ko po papakawalan si Hiro. Kinakabahan nga po ako na baka siya ang mang-iwan sa akin," sabi ni Kalyx. Naramdaman ko yung isa niyang kamay na dumapo sa kanang hita ko. Hinawi ko iyon at hinampas ng marahan.

"Naku, Iho, kapag iniwan ka ng anak namin kami na ang bahalang magbalik sa kanya sayo," sabi ni Papa.

Tumawa si Kalyx tapos tumingin ulit siya sa akin. Naiinis na ako sa kanya. Pakiramdam ko rin ay tinatraydor ako ng pamilya ko. Paano na lang pala kapag nahuli ko si Kalyx na may iba? Tapos nasaktan ako ng sobra? Ibabalik pa rin ba nila ako kay Kalyx? Ha?!

Hmp!

Natapos ang almusal namin na puno ng tawanan. Kung ano-ano ang pinag-uusapan nila at ang pinakanakakainis ay yung kinukwento ng pamilya ko kay Kalyx yung mga nakakahiyang bagay na nagawa ko. Kagaya na lamang noong sumali ako sa singing contest dati tapos nung paakyat na ako ng stage ay natapilok ako. Ugh! Gusto ko ng kalimutan ang araw na 'yun pero inungkat na naman ng pamilya ko!
Si Kalyx naman ay tuwang-tuwa, pakwento pa siya ng pakwento. Lihim ko nga siyang kinurot sa tagiliran niya kanina para patigilin siya pero walang talab. Dinedma lang ako ng loko!

"Anak, nakahanda na ba lahat?" Tanong sa akin ni Mama paglabas niya sa kwarto nila ni Papa.

Nasa may sala ako kasama si Kalyx at hinahanda namin yung mga dadalhin namin para sa outing namin.

"Opo, 'Ma. Nalagay ko na yung mga pagkain natin dito sa bag tapos yung mga soft drinks nailagay na rin namin dun sa maliit nating cooler," sagot ko kay Mama.

"Siya sige, tara na at kanina pa tayo hinihintay ng mga kasama natin."

Tumango ako kay Mama tapos sumunod na kami sa kanya palabas ng bahay. Tama nga si Mama na kanina pa kami hinihintay ng mga kasama namin. Siksikan na sila sa jeep ni Kuya Jun kaya sa entrance na lang ng jeep kami naupo ni Kalyx. Nakakapit siya sa magkabilang railings ng jeep para daw hindi ako mahulog. Masyado siyang OA kaya inirapan ko siya. Anong tingin niya sa akin, bata?

Maingay ang naging biyahe. May dala kasing maliit na speaker si Danica kaya todo kanta sila. Kahit malakas ang speaker mas rinig ko pa rin ang boses ni Danica kaya naririndi ako. Masyado kasing feeling ang babae. Feel na feel ang pagkanta e boses kargador naman siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Guy Who Likes Me(ON-GOING)Where stories live. Discover now