Chapter Nine

389 23 45
                                    

"Naiinis talaga ako sa Kalyx na 'yun."

Ungot ni Aira habang naglalakad kami papunta sa sunod naming klase matapos naming magpaalam kay Kalyx.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya, magkasalubong ang mga kilay ko.

Nagkibit-balikat siya." Hindi ko din alam. Para bang pakiramdam ko walang mabuting maidudulot sayo yung ulopong na 'yun-teka nga! Bakit ngiting-ngiti ka?" Puna sa akin ni Aira.

Napatingin ako sa kanya tapos sa hawak kong plastic bag na binigay ni Kalyx. Hindi ko alam pero natutuwa talaga ako na may binigay si Kalyx sa akin. Parang ang saya-saya sa loob ko.

"Hoy! Alam ko 'yang nga ngiting ganyan, ha! Naku, Hiro! Sabi ko na nga ba, e!" Sigaw ni Aira. Sinaway ko siya kasi napatingin sa amin yung mga tao.

" Wala 'to. Natuwa lang talaga ako na may binigay siya sa akin. Ikaw ba? Kapag may nagbigay sayo ng milktea hindi ka matutuwa? " Sabi ko kay Aira.

"Matutuwa. Pero iba yung ngiti mo, e! Hindi lang 'yan basta dahil sa tuwa. Mas malalim pa, " aniya ni Aira.

Pinaningkitan ko siya ng mata." Tigilan mo nga ako! Ang dami mong hinuha!" Sabi ko tapos nauna akong maglakad sa kanya.

Nagulat naman ako ng may mabunggo ako.

"Aiden?" Sabi ko sa taong nabunggo ko na si Aiden pala.

"Uyy, Hiro!" Bati sa akin ni Aiden.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, dito din ako nag-aaral," sagot ni Aiden.

Napatango ako tapos naalala ko si Aira, ipapakilala ko siya kay Aiden. Kaso nqng tignan ko si Aira nagtaka ako kasi nakatulala siya. Nakanganga pa siya at parang nawala na sa katinuan.

Kumunot ang nuo ko tapos nagpatunog ako ng daliri sa harap niya. Mukhang gumana dahil napapiksi siya.

"Nangyare sayo?" Tanong ko. Nakakunot pa rin ang nuo.

"Ah, wala!" Aniya ni Aira tapos umiling-iling pa. Lumapit siya sa akin tapos bumulong. " Sino 'yan?" Tukoy niya kay Aiden.

"Si Aiden," sabi ko tapos bumaling ako kay Aiden." Aiden si Aira," pagpapakilala ko kay Aira.

Ngumiti si Aiden tapos naglahad siya ng kamay kay Aira." Hi," bati ni Aiden. Nakalabas yung dimple niya.

Nagtaka naman ako kasi may nalaman pa si Aira na pahawi-hawi ng buhok niya bago inabot ang kamay ni Aiden. Para bang nagpapacute siya dito.

"Aira," sabi ni Aira na may kasama pang maharot na tawa pagkatapos.

Nagkamayan sila. Si Aiden na ang unang bumitaw dahil parang nawala na naman sa mundo si Aira, tuloy-tuloy pa rin ang pakikipagkamay niya kahit wala na yung kamay ni Aiden.

Nangunot ang nuo ni Aiden at napatingin kay Aira na parang weird na weird siya dito. Natawa naman ako at hinila ko na si Aira papunta sa gilid ko bago niya pa mas ipahiya ang sarili niya kay Aiden.

"Pag pasensiyahan mo na 'tong kaibigan ko. May sakit kasi 'to sa pag-iisip," natawa ako sa sinabi ko tungkol kay Aira.

"Mukha nga," aniya ni Aiden. "By the way Hiro, you haven't accepted my friend request yet," nakasimangot na sabi ni Aiden.

Napatakip naman ako sa bibig ko nang maalala ko nga. "Oo nga! Sorry! Wait-" aniya ko tapos nilabas ko yung cellphone ko, binuksan yung facebook tapos hinanap ko sa friend request list yung pangalan ni Aiden. In-accept ko agad siya. "Yan, naaccept ko na," nakangiting sabi ko.

" Cool. Thanks. Nasa bar ka ba ulit mamaya?" Tanong ni Aiden.

Tumango ako." Oo," sagot ko." Pupunta kayo ulit?"

The Guy Who Likes Me(ON-GOING)Where stories live. Discover now