Chapter One

859 40 34
                                    

Kakatapos lang ng pangatlong klase ko at nandito ako sa may canteen ng university kasama ang kaibigan kong si Aira.

"Hoy, Best!" Pagtawag niya sa akin. Tumingin ako sa kanya na parang tinatanong ko siya kung bakit." Best, tignan mo yung lalaki sa gilid natin, kanina ko pa napapansin na nakatingin sa'yo," sabi ni Aira.

Kumunot naman ang nuo ko at napatingin ako sa lalaking sinasabi ni Aira. Si Kalyx pala 'yun. Nakatingin nga siya sa akin at nung tignan ko siya ay nagiwas siya ng tingin kagaya noong nakaraang gabi. Kinawayan ko siya nung muli siyang tumingin sa akin pero sa halip na kawayan niya rin ako ay tumayo siya at naglakad palabas ng canteen. Nagulat yung mga kasama niya kaya napatingin sila sa gawi namin ni Aira at biglang nagtawanan. Kumunot muli ang nuo ko kung bakit sila nagtatawanan. May nakakatuwa ba sa amin? Si Aira siguro, mukha siyang clown sa kapal ng make-up niya, e. Joke!

"Hoy! Bakit mo kinawayan? Kilala mo?" Tanong ni Aira.

"Oo. Tinulungan niya ako nung nakaraang gabi. Muntik na akong hampasin ng bote sa ulo ng isang lasing," pagkukwento ko kay Aira.

"Tunay? Grabe naman 'yung lasing na 'yun, " aniya ni Aira." Pero, Best, iba 'yung tingin sa'yo ng Kuya mo! Parang may something! ".

Nagsalubong 'yung kilay ko sa sinabi ni Aira." Huh? Pinagsasabi mo? ".

"Ay,manhid lang? Bahala ka 'nga!" Sabi ni Aira bago siya tumayo." Tara na magi-start na 'yung next class natin."

Sumunod naman ako kay Aira na pilit inintindi 'yung sinabi niya. Baliw na 'ata ang babaeng 'to,e! Kung ano-ano na lang ang pinagsasabi.


Matapos ang lahat ng nga klase ko ay dumiretso ako sa trabaho ko,as usual. Normal naman ang pangyayari ngayong araw. Walang lasing na gustong hampasin ng bote ng alak ang ulo ko.

Nakakapagod! Ang daming customer ngayon. Marami naman araw-araw pero iba yung dami ngayong araw. Nandito nga rin ulit si Kalyx at ang mga kaibigan niya,e. Pansin ko na napapadalas yung pagpunta nila sa Bar,a. Ang tatakaw nila sa alak. Naku! Naku!

Pumara ako sa Manong Driver ng malapit na yung jeep sa kanto ng lugar kung saan naroon ang apartment ko. Bumaba ako ng jeep at nagsimula ng maglakad. Sobrang tahimik na ng paligid. May mga street lights kaya maliwanag sa nilalakaran ko. Mga 10 minutes na lakaran pa bago ako makarating sa tinitirhan kong apartment. Pagod ako pero sanay na akong maglakad ng pagod kaya parang balewala lang sa akin.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang biglang sumunggab sa aking lalaki. Nakaitim na face mask siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Hold up, 'to. 'Wag kang sumigaw kundi isasaksak ko sayo 'tong kutsilyo ko," banta niya sa akin habang nasa likod ko siya. Ramdam ko na may matalas na bagay na nakatutok sa may tagiliran ko,sa wari ko ay 'yun ang kanyang kutsilyo.

Agad namang naghurumentado ang puso ko. Akala ko maganda na ang araw ko pero hindi pala. Gusto ko na lang makauwi at matulog pero bakit kailangan ko pang mahold-up? Ang malas naman.

"Sige Kuya. Basta wag niyo lang akong sasaktan. Ano po bang kailangan niyo? Pera? May 600 po ako dito. Ibibigay ko po sa inyo basta wag niyo lang akong saktan," sabi ko kay Kuya. Pinakalma ko ang sarili ko kahit kabadong-kabado talaga ako.

" 600 lang? Cellphone? Ibigay mo rin yung cellphone mo at yung mga alahas mo," utos pa sa akin ni Kuyang Holdaper.

" Sige Kuya," sabi ko habang dahan-dahang kinukuha yung 600 ko sa wallet ko. Tapos binigay ko rin sa kanya yung cellphone ko at yung singsing ko na napulot ko lang naman.

" 'Wag kang sisigaw,a," aniya ni Kuyang Holdaper ng makuha niya na yung mga hiningi niya sa akin. Tumango-tango ako tapos naramdaman ko na ang unti-unti niyang paglayo sa likuran ko. Nang masiguro kong malayo na talaga siya sa akin ay lumingon ako para tignan siya.

The Guy Who Likes Me(ON-GOING)Where stories live. Discover now