Chapter Sixteen

341 25 48
                                    

"I'm going to miss you so much..." Nakasimangot na sabi ni Kalyx ng ihinto niya ang kotse niya sa harap ng Bus Station kung saan ako sasakay ng Bus papuntang Batangas.

Naisipan kong umuwi na agad sa Batangas para naman masulit ko talaga ang dalawang linggong bakasyon na binigay sa amin. Miss na miss ko na kasi ang pamilya ko. Matagal-tagal ko na rin silang hindi nakikita ng personal. Makulit pa rin kaya si Happy? Miss na miss ko na talaga ang batang 'yon!

"Mamimiss din kita, Kalyx. Tawagan na lang natin madalas ang isa't isa, okay?" Pagpapagaan ko sa loob ni Kalyx. Kagabi pa kasi siyang ganyan, nakasimangot. Parang nagdadalawang-isip tuloy ako na huwag ng tumuloy sa Batangas. Pero hindi pwede, e! Mahal ko si Kalyx at gusto kong palagi siyang makasama pero miss na miss ko na talaga ang pamilya ko kaya sila muna ang uunahin ko.

"Promise?" Paninigurado ni Kalyx sa akin. Kagat-kagat pa rin ang labi.

"Promise," tinaas ko yung kanang kamay ko para mangako.

"Kiss mo nga ako," nakapout na sabi ni Kalyx.

Pinaningkitan ko siya ng mata pero hinalikan ko pa rin naman siya sa labi. Dampi lang iyon, humiwalay din agad ako sa kanya. Baka mamaya kung saan pa kami mapunta, e! Alam ko na 'yang mga galawan ni Kalyx!

"Babe..." Parang batang sabi ni Kalyx. Nakapout siya at pinapakitaan ako ng puppy eyes niya. Parang pinipigil niya talaga akong umalis.

"Kalyx naman! Huwag kang ganyan! Alam mo namang matagal ko ng hindi nakikita yung pamilya ko, diba?" Sabi ko sa kanya. Pinatapatigil ko siya sa ginagawang pang-aakit sa akin na 'wag ng umalis.

"Okay. Okay," sumeryoso na siya. "Just make sure wala kang lakandiin doon, ha." Lumapit siya sa akin at bumulong. "Gusto ko, ako lang gusto. Remember that, Hiro."

Tinulak ko siya palayo dahil sa sinabi niya. Medyo kinilabutan ako doon pero at the same time ay kinilig. Para naman siyang baliw! Sino naman ang lalandiin ko doon sa amin? Halos lahat ng mga tao doon ay kaibigan ko! Baliw!

"Oo, na! Oo, na! Baka nga ikaw pa ang lumandi dito, e!" Binalik ko sa kanya ang pang-aakusa niya sa akin. Tinaasan ko pa siya ng kilay para magmukha talaga akong hindi matutuwa kapag lumandi siya sa iba.

"Yeah, I'll probably gonna do that," sabi niya, nakangisi.

Agad akong nainis. "Gawin mo! Bahala ka nga diyan!" Magkasalubong ang kilay na sabi ko sa kanya. Akmang bubuksan ko na yung pinto ng kotse niya para lumabas pero napigilan niya agad ako.

"I'm just kidding!" Hinila niya ako paupo sa kandungan niya. Niyakap niya ako kaya pilit ko na inaalis ang kamay niyang nakayakap sa akin. Naiinis ako sa kanya! Lalandi pala siya, ha! Edi lumandi siya! Wala akong pakialam!

"Bitawan mo nga ako! Aalis na ako para makalandi ka na!" Pilit ko pa ring inaalis yung mga kamay niyang nakayakap sa akin pero hindi ko maalis ang mga iyon dahil sobrang lakas niya.

"I'm just kidding! I'm not gonna flirt with no one! Ikaw lang. Ikaw lang ang lalandiin ko," panunuyo niya sa akin. Hinigpitan niya pa ang yakap niya.

Nawala na ang inis ko. Alam ko namang binibiro niya lang ako pero maisip ko pa lang kasi na may nilalandi siyang iba ay naiinis na ako! Hmp!

"Subukan mo lang talagang lumandi hindi na ako babalik dito," sabi ko. Narinig ko siyang tumawa. Isinubsob niya pa ang mukha niya sa batok ko. Nakaramdam ako ng kakaiba sa yakap niya. Mas mainit pero nararamdaman ko pa rin yung lungkot niya.

"Kalyx, dalawang linggo lang naman, e! Pagkatapos nun magkikita na ulit tayo! Huwag kang mag-alala hindi ko kakalimutan na tawagan ka araw-araw," pagpapagaan ko na naman sa loob niya.

The Guy Who Likes Me(ON-GOING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang