Chapter Four

648 31 65
                                    

Warning! SPG! IF YOU ARE NOT INTO THIS TYPE OF SCENES SKIP THIS CHAPTER!!
-
"Oh, Hiro! Bakit parang malungkot ka?"

Tanong sa akin ni Sir Cole pagkabalik ko sa counter ng bar. Hindi ko muna nasagot ang tanong niya kasi tumingin pa ako sa table nila Kalyx para sulyapan siya. Hindi ko alam kung bakit ganon ang inasal niya kanina sa cr. May nagawa ba akong masama sa kanya? Bakit parang galit siya sa akin?

"Hiro?" Pagtawag sa akin ni Sir Cole.

Nilingon ko na siya. "Yes, sir?"

"Ayus ka lang ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Sir Cole.

"Opo. Ayus lang po ako, " sagot ko.

"Come, seat here, " sabi ni Sir Cole sabay turo sa katabing upuan niya.

Agad naman akong nagpunta doon at naupo.

"May problema ba?" Tanong pa ni Sir Cole.

Umiling ako. "Wala po. Medyo napagod lang po siguro ako," sagot ko sabay lingon muli sa gawi nila Kalyx. Ang sungit ng itsura niya, as usual.

" Ganon ba? Gusto mo ba magpahinga saglit?" Alok ni Sir Cole.

Binalik ko ang tingin ko sa kanya." Naku, sir wag na po! Ayus naman po ako, hindi na po kailangan," pagtanggi ko sa alok niya.

"Okay," aniya. "By the way, Hiro. Can I have a favor?"

"Opo. Kahit ano po." Nakangiti ako.

Nagulat ako ng biglang inilapit ni Sir Cole yung mukha niya sa may kaliwang tainga ko. Napigil ko ang aking hininga. Nanuot sa ilong ko yung amoy ng kanyang pabango.

"Can you...stop using 'po' and 'opo' while talking to me? And don't call me 'sir', just Cole is fine. Para namang ang layo ng agwat ng edad natin sa isa't isa," bulong sa akin ni Sir Cole sabay layo ng mukha niya sa kaliwang tainga ko.

Nakahinga na rin ako. "Sigurado po kayo?" Paninigurado ko.

"Mukha ba akong nagloloko?" Aniya.

Umiling ako. May sasabihin sana si Sir Cole pero biglang nagring yung cellphone niya. Sinagot niya iyon.

"Yes? What?! Okay. I'll be there," pagkausap ni Sir Cole sa tao sa kabilang linya. Mayamaya lang ay pinatay na niya ang tawag. Tumingin siya sa akin. "Hiro, I'll be going na. It's nice meeting you again. Let's talk another time, " pagpapaalam sa akin ni Sir Cole.

Tumayo ako kasunod niya. "Sige po Sir-este Cole hehe," sabi ko.

Pinaningkitan niya ako ng mata tapos umiling-iling siya." Alis na ako," sabi niya bago siya naglakad na nga paalis.

"Hoy!"

Napapiksi ako ng biglang sigawan ako ni Carlo.

"Close kayo ni Sir?" Tanong niya sa akin.

"Hindi. Magkakilala lang kami. Hindi ko nga alam na Boss pala natin siya, " sagot ko.

"Weh? Mukhang close kayo, e. May pabulong-bulong pa nga sa tainga mo, e. Anong binulong niya?" Usisa ni Carlo.

" Wala kang pake!" Singhal ko sa kanya sabay naglakad na ako paalis doon.

May tumawag sa aking customer. Grupo ng mga lalaki malapit sa table nina Kalyx. Nagpunta ako doon.

"Ano po 'yun mga, Sir?" Tanong ko sa kanila.

"Oorder kami," aniya nung isang nakasuot ng sombrero. " Apat na beer tapos chicharong bulaklak."

"Sige po. Sandali lang," paalam ko sa kanila bago ako nagpunta sa counter para kunin yung mga order nila. Agad naman ako na bumalik sa lamesa nung apat pagkakuwa ko sa order nila.

The Guy Who Likes Me(ON-GOING)Where stories live. Discover now