Chapter XIII

1.2K 103 8
                                    


KRISTINE


"Ikaw nang mauna, anak..."

Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni mommy. "Talaga po?!"

Ngumiti naman si mommy nang makita niya na walang paglagyan ang tuwa ko habang kaharap siya. "Oo, pati ang kamay niya ay pwede mo nang galawin."

Kumunot ang noo ko sa muli niyang sinabi. "Hindi ba naka-reserve ang mga kamay niya para kay Lola?"

Umiling si mommy. "Nakita ng Lola mo ang mga kamay ng babaeng 'yun. Ang pangit daw at ayaw niya raw ng gano'ng mga kamay."

Lalo akong natuwa. Ibig kasing sabihin no'n, halos solong-solo ko ang panauhin namin ngayong gabi. Ayaw sa kanya ni Papa kasi babae raw, at ayaw sa kanya ni Mama kais mataba raw. "Ibig sabihin mommy, akin na lang po siya?"

Nakangiting tumango si Mommy. "Sa 'yong sa 'yo na anak..."

Halos magtatalong ako sa tuwa. Nagpaalam na ako sa kanya na bababa na ako sa espesyal naming kwarto. Nasa ilalim iyon ng Museo Caridad. Pinasadya para hindi makalabas ang anumang ingay na manggagaling doon.

Excited ako sa pagbukas ng pinto. At nakita ko nga ang isang may katabaang babae na nakatali sa kanyang kinauupuan. Ang mga kamay niya ay nasa kanynag likuran at ang mga paa ay nakatali rin ng magkahiwalay sa paa ng upuan, nakapiring ang kanyang mga mata at may malaking busal sa kanyang bunganga. Alam kong narinig niya ang pagpasok ko sa espesyal na kwarto kung nasaan kami pareho. Dahil nang maisarado ko na ang pinto ay nagpapalinga-linga na ang ulo niya habang pilit na nagpupumiglas mula sa tali niya.

Nakangiti akong napapailing bago lumapit sa lamesa kung nasaan ng ibang-ibang gamit ni Daddy na pang-ukit, ang tool box ni Kuya Toni at ang malalaking gunting ni Mommy. Nagsimula na akong mailto sa kung anong pipiliin ko. Nalilito ako sa sobrang pananabik sa mga susunod na mangyayari. Kapag ganitong may panauhin kasi kami sa espesyal naming kwarto, palaging sa akin ang tira-tira. 'Yung halos nag-aagaw buhay na. Kaya wala nang thrill at sobrang boring na paglaruan.

"Pakawalan mo ako dito!!!" Hindi malinaw ang mga salitang lumalabas sa nakabusal niyang bibig pero sigurado ako na iyon ang isinisigaw niya. Pare-pareho lang naman ang sinisigaw ng mga nagiging panauhin namin sa espesyal na kwarto na 'to.

Pakawalan ninyo ako dito.

Maawa na kayo.

H'wag ninyo akong patayin.

Bakir ninyo ginagawa 'to sa akin?!

Baliw! Baliw kayong lahat!

Hay. Memoryadong-memoryado ko na talaga lahat ng mga linya nila.

Pumeywang muna ako sa may gilid ng lamesa habang nag-iisip. Pinadaan ko ang mga daliri ng kamay ko sa mga gamit na nasa ibabaw ng mahabang lamesa.

Ano kayang gagamitin ko sa mga ito?

Ngumiti ako nang mahawakan ko ang plais.

Tama! Ito na lang ang gagamiti ko. Bagay na bagay 'to sa kanya.

Nang tuluyan ko nang hawakan ang plais ay nilapitan ko na ang matabang babae at tinanggal ang busal mula sa kanyang bibig. Nandidiri pa akong binitawana ang busal dahil puno na iyon ng laway.

RecursionWhere stories live. Discover now