Chapter IX

1.2K 117 18
                                    

CARLA'S P.O.V.

"Tsk! Nakakainis naman oh! Bakit naman kasi nasiraan pa 'yung tricycle na sinasakyan ko. Kailangan ko pa tuloy maglakad papunta do'n sa may sakayan sa kabilang kanto," yamot na bulong ko habang naglalakad sa medyo madilim na kalsada. Mag-aalasyete na kasi ng gabi. Nag-away kami ng boyfriend ko na si Erwin habang magkasama kami sa café kanina. Nagwalk out ako at sumakay ng tricycle na nasiraan naman pagkalagpas sa may arko palabas ng Barrio San Vicente. Konti na lang eh, makakatawid na sa kabilang bayan kung nasaan ang sakayan ng jeep pauwi sa amin. Hindi pa umabot.

Napahinto ako sa paglalakad nang makariinig ako ng kaluskos mula sa likuran ko na kaagad kong nilingon. Medyo madilim ang paligid dahil magkakalayo na ang mga poste na may ilaw pero wala akong sinoman na nakita. Wala ring kahit na anong hayop o bagay na pwedeng gumawa ng ingay.

'Baka guni-guni ko lang 'yun.'

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero muli kong narinig ang mga kaluskos. Kaagad akong lumingon patalikod.

"Erwin, ikaw ba 'yan! Magpakita ka na nga! Hindi ka na nakakatuwa!" halos sigaw ko.

Malamig na hangin na yumakap sa magkabila kong braso ang sumagot sa akin. Nakita ko ang pagsayaw ng mga dahon ng malalaking puno na nasa gilid ng kalsada, at ang pagkurap ng isa sa mga ilaw ng poste na kalalampas ko lang. Hindi na talaga ako natutuwa.

Niyakap ko ang shoulder bag ko kasunod ang lakad takbong ginawa ng mga paa ko. Ayan naman ang mga kaluskos. Mas malinaw na ngayon dahil parang mas malapit na siya sa akin. Mga yabag ng paa na tila sumusunod sa akin. Mas binilisan ko ang lakad takbo ko at narinig ko ang mas mabilis rin na mga yabag. Malamig ang hangin pero nagsisimulang pagpawisan ang noo ko. Malikot ang mga mata ko sa madilim na paligid na bahagyang pinapaliwang na maliit na ilaw sa magkakalayong poste. Wala bang dadaan na kahit na anong sasakyan dito? Wala man lang bang ibang tao na maliligaw kagaya ko? Naiiyak na ako sa takot at nangangatal na ang mga labi ko.

Bwiset na Erwin talaga 'yan! Kung alam ko lang na mahuhuli ko siyang may ka-chat na ibang babae kanina, dapat talaga sumabay na ako kayna Jane at Sheryl pauwi. Hinding-hindi na talaga ako makikipag-balikan sa kanya!

"Aray!" sigaw ko nang matapilok ako sa isang nakausling bato. Muli akong lumingon sa paligid at likuran ko. Walang bakas ng ibang taong nakasunod sa akin.

Ano ba?! Guni-guni ko lang ba talaga 'yun o ano?!

Pinunasan ko ang mga luha ko bago bumuntong hininga. Baka naman kasi sobrang napaparanoid lang ako. Sa kabila ng sakit na nararamdaman ko sa may paa ko ay tumayo na ako pero muntik nang muling matumba dahil sa pagkagulat. Mabuti na lang at naitayo ko ng maayos kaagad ang mga paa ko.

"L-Lola Harlie... Kayo lang po pala." Nakangiting sabi ko nang bigla na lang sumulpot ang matanda sa harapan ko. Medyo nainis ako sa nangyari kaninang umaga dahil sa pagkakahawak niya sa mga kamay ko at pagtulo pa ng laway niya. Pero dahil laking lola ako, naiintindihan ko na medyo normal na 'yun para sa edad niya. Ang mag-ulyanin. "Ano pong ginagawa ninyo dito? Saka sino pong kasama ninyo?" nagtatakang tanong ko habang lumilingon-lingon sa paligid para hanapin kung may nakasunod ba kay Lola Harlie. Alam ko kasing palagi itong may kasamang apo o kaya ay tiga-alalay... Kaya baka nakasunod rin sa kanya kung sino man ang kasama niya ngayon. Muli kong ibinalik ang mga tingin ko sa kanya pero namilog ang mga mata ko, napalunok ako ng laway at bahagyang napaatras.

"L-Lola. B-bakit may hawak po kayong kutsilyo?" masakit at nanginginig man ang mga paa ko ay nagsimula akong maglakad paatras. May nakakatakot na ngiti sa namumutlang mga labi ni Lola Harlie, mahigpit ang pagkakahawak ng kulubot niyang mga kamay sa malaking kutsilyo na parang pangkatay ng malalaking karne ng hayop.

RecursionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant