Chapter XXXVI

1.1K 78 15
                                    



Araw ng Fiesta dito sa Barrio San Vicente. Lahat ng nadadaanan ng kotseng sinasakyan namin ni Ivan ay bakas ang saya sa mga mukha. Excited sila dahil isa ito sa pinaka-inaabangan na araw sa lugar na ito. Masaya sila samantalang ako ay hindi mapakali habang nagda-drive. Halos hindi na nga ako nakatulog nang makauwi akop sa apartelle kagabi. Nakasandal ako sa may pinto dahil natatakot ako na baka bigla na lang akong pasukin sa kwarto ko. Nakikiramdam ako sa paligid hanggang umaga.

Pasado ala-cinco ymedia na yata ng umaga nang makaramdam ako nang matinding antiok. At nang magsimula nang lumalim ang pagtulog ko ay bigla namang tumunog ang cellphone ko. Napatayo ako at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang akala ko kasi no'n ay may malakas na humampas sapintong sinasandalan ko. At napailing na lang ako nang marealize ko na cellphone ko lang pala ang gumagawa ng ingay. Si Ivan ang tumatawag at sinabi niyang naghihintay na siya sa akin sa labas ng apartelle. Mabilis na akong nag-ayos ng sarili ko, kinuha ko ang putol na kamay na nakalagay sa plastic na may zip lock at pinasok at nilagay ko sa loob ng bag na dala ko.

Sumakay na kami ni Ivan ng kotse ko at sinabi niya na may pupuntahan kaming napaka-importanteng lugar.

"Malapit na tayo," ani Ivan nang halos nasa may parteng magubat na kami. Mas matataas na puno na nasa paligid. Wala na rin halos kabahayan. At ilang saglit pang pagda-drive ay tuluyan na niyang pinahinto ang minaneho kong kotse.

Tinanggal ko na ang seatbelt ko at akmang bababa na ako ng kotse nang pigilan ako ni Ivan.

"You will need this." Inabot niya sa akin ang isang facemask. Nakasuot na rin siya ng sa kanya.

Kunot man ang noo ko ay kinuha ko na 'yon at sinuot bago ako bumaba ng kotse. Nakasunod lamang ako sa paglalakad niya papunta sa may gubat. Ang lugar kung saan kami pangalawang beses na nagkita ni Ivan noon.

Nagpatuloy kami sa paglalakad papasok. Masukal na ang dinaraanan nmin. Mas matataas na ang mga puno at pati na rin ang mga damo. Huminto kami sa medyo bandang gitna kung saan may mga lupa na at kaunti na lamang ang damo. Makapal ang facemask na suot ko pero parang pumapasok pa rin ang nakasusulasok na amoy sa ilong ko. May kakaibang amoy sa paligid na hindi ko alam kung saan ba pinakagamumula.

"Alam mo ba kung bakit tayo nandito?" tanong ni Ivan sa napakaseryosong boses. Medyo kinakabahan na rin ako kasi ito ang tipo ng lugar na para bang walang sinoman ang pwedeng mapadaan. Isang lugar na kung papatayin man ako ni Ivan ngayon, hindi kaagad makikita ninoman ang bangkay ko. Nakakatawang isipin na pati si Ivan ay pinag-iisipan ko pa ng masama ngayon.

"Yung mga tumpok na lupa na 'yan... Hindi aso ang mga nakalibing d'yan." Lumunok muna siya ng laway at nagbuga ng hangin. "Mga pira-piraso ng katawan ng tao ang nakalibing d'yan."

Gustong mangingig ng mga labi ko dahil sa sinabi ni Ivan. Kaya siguro gano'n na lang katapang ang nakasusulasok na amoy na 'yon, dahil hindi lang basta katawan ng nakalibing sa paligid.

"Dito nila tinatapong at nililibing ang mga bangkay ng taong pinapatay nila. Pero wala dito si Ayen."

Gusto ko sanang itanong kung paano niya nalaman na wala dito ang bangkay ng girlfriend niya. At kung hinukay niya ba ang mga lupa sa paligid isa-isa... Pero hindi ko na nagawa pa dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Napalingon din si Ivan sa akin.

"Tumatawag ang kapatid ko, sasagutin ko lang," paalam ko kay Ivan nang makita ko ang pangalan ni Angel sa screen ng cellphone ko. Mukhang binalik na sa kanya nina Mama ang cellphone niya kaya siya nakakatawag ngayon. Bahagya akong naglakad palayo at tinanggal ang facemask ko para makapagsalita ako ng maayos. "Hello, Angel? Sorry ha? Medyo busy kasi si ate ngayon. Pwede bang –"

RecursionWhere stories live. Discover now