Chapter XXI

1K 87 6
                                    

Mabigat ang pakiramdam ko sa ulo ko nang dumilat ako. Napakabigat na para bang gusto ko na lang matulog ulit. Hanggang sa may naaninag na mukha ang nanlalabo kong paningin kaya muli akong pumikit. Wala pa ako sa wisyo gumising at bumangon kaya babalik na lang talaga muna ako sa pagtulog ko.

Duguang kamay.

Mga pugot na ulo.

Bibig na ngumunguya ng karne ng tao.

"Good morning, Ms. Junica."

Napabalikwas na ako ng bangon nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Kaagad akong sumiksik sa sulok nang makita ko si Kristine sa may tabi ng kamang kinahihigaan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko habang inililibot ko ang paningin sa paligid. Nasa loob na ako ng sarili kong apartment. Maliwanag na ang paligid dahil sa mataas na sikat ng araw sa labas ng bintana. Pero anong nangyari?! Bakit at paano ako napunta dito?

"Nakita ka ni Mommy na walang malay sa may labas ng kwarto mo. Siya ang nagpasok sa 'yo dito at tinawag niya ako para bantayan ka," kwento ni Kristine na tila narinig ang mga tanong na nasa isip ko.

"Wala akong malay sa may pinto ng apartment ko?" nagtataka kong ulit. Imposible 'yun dahil alam kong nakalabas ako ng kwarto kaninang madaling araw. Pero 'yung mga nakita ko... Bangungot na naman ba ang lahat ng 'yun?

"Oo, hindi niya alam kung nag-sleepwalk ka lang daw ba o sadyang nawalan ka ng malay. Kaya pinapunta niya ako dito para bantayan ka hanggang sa magising ka," muling sagot niya.

"Imposible... Nakalabas ako ng apartment ko kagabi at may narinig akong ingay... May nakita ako." Halos pabulong na sabi ko. Masakit pa rin ang pakiramdam ko sa ulo ko na halos sabunutan ko na ang sarili kong buhok. Bakit ba parang napakahirap ihiwalay ng panaginip mula sa katotohanan?! Actually sa totoo lang, may mga oras talaga na hindi ko na alam kung totoo ba talagang nangyari 'yung naalala ko o gawa-gawa lang 'yun ng imahinasyon ko. Para kasing napagsasama ko na ang imahinasyon ko sa totoong nangyayari sa buhay ko. Pero 'yung kaninang madaling araw... 'Yung mga narinig ko... 'Yung nakita ko... Sigurado ko na hindi 'yon isang panaginip lang. At mas lalong hindi iyon gawa-gawa lamang imahinasyon ko.

"Ms. Junica?"

Muli akong napasiksik sa sulok nang biglang tumayo si Kristine. Natatawa siyang kumunot ang noo.

"Ayos ka lang ba?"

"O-oo." Mabilis akong tumango. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari kanina pero isa lang ang sigurado ako... Hindi niya pwedeng mahalata na may alam na ako.

"Mabuti naman. Kailangan ko na ring umalis eh," aniya.

"S-Sige lang... Salamat sa pagbabantay sa akin,"

"Wala 'yun... Ikaw p ba?" Nakangiting sabi niya bago tuluyan nang lumabas ng kwarto ko.

Nang maiwan akong nag-iisa ay muli kong inilibot sa paligid ang mga tingin ko. Nasa ayos ang lahat ng mga gamit ko na parang hindi naman ginalaw. Sinuri ko ang sarili kong katawan... Wala akong kahit na anong pasa o sugat na nakita. Pero ano ba talagang nangyari?! Binangungot na naman ba ako nang magising ako kanina.

Napapitlag ako sa biglang pag-ring ng cellphone ko na nasa tabi ko lang. Hindi na ako nagdalawang isip na sagutin ang tawag nang makita ko ang panagalan ng caller ko. "Hello Ivan? I think we need to talk."

*****

"Hindi ko ba talaga pwedeng makausap si Angel?" may inis na tanong ko sa Mama ko n aka-video call ko ngayon. Si Angel lang kasi ang kahit paano ay pwedeng makapagpagaan ng loob ko.

"Kasi anak... Tulog pa siya eh. Kumusta ka ba d'yan sa bakasyon mo?" Iniiba na naman ni Mama ang topic. Bakas din sa mukha niya ang pag-aalala. Mas gusto kong kausap si Angel kaysa sa kanya o kay Papa pero mukhang hindi rin naman nila ipapakausap sa akin ang kapatid ko.

RecursionWhere stories live. Discover now