Chapter XXXIX

1K 97 17
                                    

WARNING! NAKAKABITIN!

H'wag munang basahin kung hindi sanay na mabitin.

Pero handa na ba talaga kayo sa revelation?

Malalaman na natin kung sino ang totoong baliw...

Kung sino ang mga totoong BALIW.

*****

Hindi ko kaagad naimulat ang mga mata ko dahil sa nararamdamang kong matinding kirot sa ulo, leeg, likod at halos buong katawan ko na nga yata. Sobrang bigat ng pakiramdam ko na parang gusto na lang matulog ulit. Ihihilamos ko sana sa mukha ko ang mga palad ko pero isang kamay ko lang ang nakagawa noon. Doon ako tuluyang napamulat.

Bakit ako nakaposas?!

Nasa loob ako ng isang maliit na kwarto, may tv na hindi bukas at nakasabit sa dingding, may maliit na lamesa sa tabi ko at sofa na hindi kalakihan malapit sa may pinto. Nakahiga ako sa puting kama, nakasuot ng isang hospital patient uniform at... Nakaposas ang isang kamay ko sa gilid ng bakal ng kamang kinahihigaan ko.

Ano bang nangyari? Bakit ako nandito? Bakit ako nakaposas?!

Nagawa kong umupo sa gilid kama habang ang isang kamay ko na malaya ay sumasabunot sa buhok ko. Sobrang sakit ng ulo ko na parang lobong puputok anumang oras. Wala na akong maintindihan sa nangyayari.

Bakit ba ako nandito?! Bakit ako nakaposas?! Iyon ang paulit-ulit kong tanong.

'Ate... Ate, tulungan mo ako.'

Muling nandilat ang mga mata ko. Si Angel! Kaylangan ko siyang iligtas!

"Pakawalan ninyo ako dito! Kailangan kong iligtas ang kapatid ko! Ivan! Ivan alam kong ikaw ang nagposas sa akin dito! Pakawalan mo akong hayop ka! Pakawalan mo akong baliw ka!" nagwawalang sigaw ko.

Biglang bumukas pinto ng kwarto kung nasaan ako. At hindi ko inaasaan ang nakita ko...

Ang mga taong iniluwa ng bumukas na pinto.

"Papa? Mama?"

Pumasok sina Papa at Mama sa loob ng kwarto kasunod ang dalawang nurse at isang doktor. Anong ibig sabihin nito? Ligtas na ba ang kapatid ko kaya nandito sila ngayon? Pero bakit ba ako nakaposas? Iyon ang pinakahindi ko maintindihan sa nangyayari ngayon.

"Papa... Mama, si Angel po? Ligtas na ba siya?"

Humigpit ang hawak ni Mama sa braso ni Papa. Saglit silang nagtinginang dalawa bago sabay na ibinalik sa akin ang mga tingin. Kaagad na nangilid ang luha sa mga mata ni Mama. Si Papa naman ay bakas ko ang pagpipigil niya na maiyak.

"Bakit hindi po kayo nagsasalita?! Saka bakit ba ako nakaposas?! Mama, nasaan po ba si Angel?! Kung hindi ninyo pa rin siya kasama, kailangan ko na siyang iligtas! Baka mapahamak pa po siya! Please, pakawalan ninyo na po ako dito! Papa, please!" Pagsusumamo ko.

Naiiyak na ako dahil sa takot na baka may kung ano ng nangyayari sa kapatid ko ngayon. Hindi ko kakayanin kapag napahamak siya ng dahil sa baliw na pamilya ni Kristine. Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Kaya kailangan ko na siyang iligtas kaagad!

"Anak..." halos pabulong na sabi ni Mama. Mas humihigpit ang hawak niya sa braso ni Papa at mas bumibigat ang luha na nilalabas ng mga mata niya. "Anak, hindi mo pa rin ba natatanggap ang lahat?"

RecursionDove le storie prendono vita. Scoprilo ora