Chapter XX

1.1K 95 9
                                    



SOMEONE'S P.O.V.

"Ano pare, hindi ka pa ba tapos?"

"Malapit na pare. Ugh... Ugh..."

"Tng-ina... Ang tagal mo naman d'yan."

"Ulol. Ikaw nga nakailan kanina!"

Nanlalabo ang paningin ko pero hindi ang panrinig ko lalo na ang pakiramdam ko. Ramdam ko ang marahas na bawat ulos ng lalaking nakaibabaw sa akin. Sinubukan ko pang imulat ang mabigat na talukap ng mga mata ko at naaninag ko ang mukha ng demonyong walang pakialam kung duguan na ang katawan ng kinaiibabawan niya. Nakanganga ang kanyang bibig, pikit ang mga mata at pawisan ang noo. Bakas sa mukha niya ang sarap habang ako ay nagdurusa. Pinilit kong igalaw ang mga braso ko pero sadyang nanghihina na ang mga ito. Lalo na ang mga tuhod at binti ko. Sa kabila ng matinding pananakit ng ulo ko at iyon ang sumunod ko sinubukan na igalaw.

Dalawa silang nag-uusap pero alam ko na higit pa sila sa tatlo. Mga demonyong bumaboy sa katawan ko. Mga demonyong sumira sa buong pagkatao ko. Patuloy ang paglibot ng mga tingin ko na bigla ring huminto nang maaninag ko ang isang hugis ng taong nakahiga rin malapit sa pwesto ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na maiyak.

"Pvta pare, gising na pala si Ms. Beautiful."

Nang ibalik ko ang tingin ko sa mukha ng lalaking nakaibabaw sa akin ay sumalubong ang nakakakilabot na ngisi sa mga labi niya. At bago pa ako nakaiwas ay naduraan niya na ako sa mukha. Mabaho. Napakabaho ng laway niya. Nakakdiri. Pero wala nang mas nakakadiri pa sa ginagawa niya sa akin ngayon. Nilang lahat.

"Tng-ina! Parang matagal ka pa d'yan eh!" sabi ng isa pang lalaki na papalapit sa amin. Hubo't hubad din ang katawan niya. At parang alam ko na ang gusto niyang gawin nang bahagyang umayos ang lalaking patuloy pa rin ang ulos sa ibabaw ko. Ang bagong lalaking lumapit sa akin ay pumwesto sa may mukha ko. At bago pa ako muling nakakilos ay nahawakan niya na ako sa mukha, pinisil ang pisngi ko upang bumuka ang mga labi ko kasunod ang pagpasok ng kanyang kahabaan. "Ahhh. Pvta! Ang sarap!!!"

Sarap na sarap sila...

Habang ako ay hirap na hirap na.

Kailan pa ba ako mamamatay para matigil na ang ka-demonyohang ginagawa nila sa katawan ko!?

Walang tigil ang mga mata ko sa paglabas ng mga luha. Nangangatal na ang mga labi ko at unti-unti na akong nahihirapan na huminga.

Pero hindi... Hindi ako pwedeng mamatay nang hindi man lang nakakalaban. Bago pa ako tuluyang mawalan ng lakas ay buong lakas ko ring kinagat ang kahabaan na nakapasok sa bibig ko.

"Ahhhhh!!!" sigaw ng isang demonyo bago mabilis na hinugot ang kanyang kahabaan mula sa bibig ko. May panghihinayang sa sarili ko dahil hindi ko iyon nagawang putulin gamit ang mga ngipin ko, pero may takot din ako naramdaman nang makita ko ang matinding galit sa mukha niya. Mas lalo akong natakot nang abutin niya ang isang malaking bato bago itinaas at handa nang ibagsak sa mukha ko. "Pvtang ina mong babae ka!!!"

****

JUNICA'S P.O.V.

Napabalikwas ako ng bangon sa ibabaw ng kama. Tagaktak ang pawis sa noo ko at ramdam ko ang malalim at mabilis na kabog ng dibdib ko. Anong nangyari? Anong bangunot 'yun? Bakit hindi ko maalala? Napalunok pa ako ng laway sa kabila ng nanunuyo kong lalamunan bago sinapo ang dibdib kong tila tumatambol pa rin sa kaba at takot na hindi ko maintindihan.

"May nakita raw na bangkay ng isang matabang babae do'n sa kabilang barrio. Walang ulo... Walang paa... Walang kamay..."

Napapailing ako bago nagbuga ng hangin. Inihilamos ko rin sa mukha ko ang mga palad ko. Bakit ba naalala ko pa ang sinabing iyon ni Yana na hindi ko naman sigurado kung totoo o gawa-gawa niya lang?!

Ilang saglit pa bago ako nagdesisyon na bumaba na ng kama. Pagkatapos kong uminom ng tubig ay kinuha ko ang jacket ko.

Mukhang kailangan ko munang magpahangin sa labas.

Tumingin ako sa relong nakasabit sa dingding bago ako lumabas ng kwarto ko. Mag-aalas quarto na pala ng madaling araw. Sakto lang ang lamig sa labas para makapagpahangin ako. Nasa may lobby na ako ng apartment nang makarinig ako ng munting ingay. Pinakiramdaman ko ang paligid. At dahil sa malaki talaga ang buong bahay ay hindi ko kaagad mawari kung saan iyon nanggaling. Ang apartment kasi nina Tita Aileen ay napapagitnaan ng Vida Feliz Café at Museo Caridad. Tutuloy na sana akong buksan ang pinto ng main lobby nang muli kong marinig ang ingay.

Ano 'yun? Parang tunog nang bibig na kumakagat at ngumunguya ng kung anong pagkain. Napatingin ako sa connecting door na nasa kanan ko, pinto iyon papunta sa Vida Feliz Café pero mukhang hindi do'n nanggagaling ang ingay. Wala sa loob na naglakad ako patungo sa kabilang pinto na nasa kaliwa ko. Ang connecting door patungo sa Museo de Caridad. Saglit pa akong napatitig sa pinto bago dahan-dahang naglakad. Maingat ang bawat hakbang ko na tila ba ayokong may ibang tao na makaramdam o makarinig na papalapit ako sa kanila. Naninindig na rin ang mga balahibo ko at lumalakas ang kaba sa hindi ko malamang dahilan.

Habang papalapit ako nang papalapit ay mas lumalakas ang ingay. Alam kong wala namang mali sa ingay na 'yun dahil parang tunog lang naman 'yun ng ngininguyang pagkain. Pero para din kasing may kakaibang dating sa akin ang ingay na naririnig ko. Hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko o gumagana na naman ang malikot na imahinasyon ko. At nang makalapit ako nang tuluyan sa pinto ay nakarinig naman ako ng mga boses. Pabulong na mga boses pero halata ang galit sa tono ng kanilang pagsasalita.

"Tang-ina! Bakit ninyo kasi pinabayaan na makalabas ng kwarto niya si Mama!?" boses ni Tito Andrew.

"Wala namang nakakita sa kanya sa labas. Ayan nga oh, sarap na sarap na siya sa kinakain niya." Boses ni Tita Aileen.

"Gaga! Buti sana kung wala siyang bitbit, tingnan mo nga siya! Hawak niya pati ang ulo ng kinakain niyang bata!"

Muli akong napalunok sa narinig ko. Kinakain na bata? Shit! Siguro naman batang hayop lang ang ibig nilang sabihin.'

Alam ko sa mga oras na ito, dapat ay umalis na ako sa kinatatayuan ko. Dapat hindi na ako makinig pa sa pag-uusap nila. At mas lalong dapat na hindi ko buksan ang kaharap kong pinto. Pero tila may sariling isip ang mga kamay ko na dahan-dahang pinihit ang door knob kasunod ang napakaingat na pagbukas ko ng pinto. Nakita ko ang mag-asawang nag-uusap na nakatalikod mula sa pwesto ko. Inilibot ko pa ang paningin ko sa maliit na pagkakabukas ko ng pinto. Naagaw ang atensyon ko ng kulay pulang likido na nasa sahig. Dahan-dahan kong sinundan kung saan nanggagaling ang pulang likidong iyon.

Napapalunok na ako muli ng laway at lahat yata ng balahibo ko sa katawan ay nakatayo na.

Nakita ko si Lola Harlie na may hawak na hindi mawari ko kung sariwang karne ng hayop o isda, basta hawak niya iyon ng dalawa niyang kamay habang ngumunguya. Siya pala ang naririnig kong ngumunguya ng malakas. Duguan na ang kanyang kamay na sigurado akong nanggagaling sa kinakakin niyang sariwang karne. Ang hindi lang ako sigurado ay kung anong klase ng karne ang kinakain niya. Muling gumala ang paningin ko sa tabi niya. May nakatumbang balde sa tabi niya at malapit doon ay may mga...

PUTANG INA!

Parang biglang gustong bumaliktad ng sikrmura ko. Dahil sa may tabi lang ni Lola Harlie ay may nakita akong... Tatlong pugot na ulo ng tao!

Tatalikod na sana ako para kumaripas ng takbo nang biglang magdilim ang lahat sa paningin ko. 

RecursionWhere stories live. Discover now