Chapter XLII

857 83 2
                                    


SP02 RICKY'S P.O.V.


Pagkatapos kong makausap si Yana kanina ay nagdesisyon akong na pumunta dito sa Barrio San Vicente. Muli akong nagtanong-tanong sa mga tao sa paligid. Naghiwalay kami ng partner kong pulis para mas mabilis ang paghahanap namin ng impormasyon. 

Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa isang karinderya na may lalaking nagbabantay. Plano ko lang na kumain ng lugaw doon pero nang tinanong ng lalaki kung ano raw ang pakay ko sa lugar nila ay nagkwento na siya sa akin. Kilala niya raw si Junica at hindi niya raw ito makakalimutan kahit kailan.

"Maganda siya, maliit na babae lang pero palangiti," pagde-describe pa noon ni Manong. Kumakain na ako ng lugaw habang magkausap kami. Para lang tuloy kaming nagku-kwentuhan. Wala naman kasi akong balak na interviewhin siya. "Pero sayang siya eh."

"Bakit naman po siya sayang?" tanong ko. Kaedad siguro ni manong ang tatay kong nasa 60 years old na, baka nga mas matanda pa siya dahil sobrang payat niya kumpara sa Tatay ko.

"Kasi siya mukhang may tililing."

Nasamid ako hindi lang dahil sa lugaw na kinain ko kung hindi dahil sa sinabi ni manong. "Tililing?" nauubong ulit ko pa habang nagpupunas ng tissue sa bibig ko.

"Oo, tililing. 'Yung taong maluwag ang turnilyo sa ulo." Iniikot niya pa ang hintuturo sa may sintido niya, do'n ko siya mas lalong na-gets ang sinabi niya. 

 Nagpatuloy na siya sa pagku-kwento habang pinupunasan ang mga bagong ligpit na mangkok. Mabuti na lang at walang ibang customer noon kaya walang istorbo sa pagku-kwentuhan naming dalawa. "Isang beses ko lang naman siya nakita, pero hinding-hindi ko talaga siya makakalimutan ang gabi na 'yon. Nang lumapit kasi siya dito sa sa krinderya ko, medyo tulala siya tapos pawis na pawis ang mukha. Siguro kasi nga kakatapos lang niyang mag-jogging kaya lang kakaiba talaga siya ng mga oras na 'yon. Nakangiti siya noong una pero nang makalapit siya dito, sumeryoso na ang mukha niya." 

Nagsimula na ring tumingin sa malayo si manong habang mabagal na pinupunasan ang hawak niyang mangkok. Bumagal din tuloy ang pagsubo ko noon sa lugaw ko. "Mag-isa lang kasi siya ng gabi na 'yon pero pang dalawahan ang inorder niya at ang sabi niya pa, dine in daw."

"Baka naman po malakas lang talaga siyang kumain?" sabi ko. Iniisip ko kasi na aka gutom lang si Junica ng gabi na 'yon kaya dalawa ang inoder nitong pagkain.

"Iyon din ang naisip ko noong una sir, kasi wala naman siyang ibang kasama. Kaya lang nang mai-serve ko na sa kanya ang dalawang lugaw, bigla na lang siyang tumulala sa kinauupuan niya. Ilang minuto siyang nakatulala sa malayo tapos bigla na lang ngingiti at tatawa na para bang may kausap."

Nalunok ko ang lugaw na hindi ko pa masyadong nangunguya at nalalasahan. May kasama pa naman iyong tokwa na bahagyang bumara sa lalamunan ko kaya sinundan ko kaagad ng pag-inom sa baso ng tubig. 'Yung pagkaka-describe ni manong kay Junica, gano'n din kasi ang sinab ni Yana nang huli ko siyang makausap.

"Hindi lang 'yun ang ginawa niya sir. Pagkatapos niyang hindi galawin ang dalawang lugaw na inorder niya, nag-order pa siya ng isa pang lugaw na pang-take out. Binayaran niya naman lahat kaya wala akong naging problema bago siya umalis. Pagkatapos naglakad na siya palayo na parang walang kahit na anong kakaiba na nangyari dito. Ang tagal ko ngang nakahabol tingin sa kanya sir. Kasi tulang-tula talaga siya habang naglalakad. Hanggang sa hindi ko na siya makita."

"Manong, hindi po ba kayo gumagawa ng kwento lang?"

"Bakit ko naman gagawin 'yon?" may inis na balik tanong niya sa akin.

"Siyempre, para sumikat 'tong karinderya ninyo." Mukha namang nagsasabi ng totoo si manong pero gusto ko pa ring makasigurado. Sa trabaho namin, hindi kami pwede na basta na lang maniwala sa tsismis.

"May katibayan ako at kaya kong patunayan na totoo ang lahat ng kinwento ko sa 'yo," giit niya.

"Katibayan? Nasaan po?"

"Ayan oh." Bumaling ang tingin ni manong sa may sulok ng karinderya, gano'n din ang ginawa ko... 

At doon nakita kong naka-kabit ang isang CCTV Camera. 

RecursionWhere stories live. Discover now