Ch. VIII

19 0 0
                                    

"You're Wet"

Snow POV

Hindi mawala sa isip ko ang nakita ko kahapon. I'm not close to Reven but I badly want to know about that girl he was hugging. Maaga pa akong pumasok sa school ngayon. I want to talk to Jea. Afterall, she knew the 'abouts' of every Shisian. She's a buzzing bee of the school anyway.

"School ID?" bungad ng school guard.

Fudge!

Sa sobrang pagmamadali ko I left my SID again. I turned my back and walked away from the school. Mukhang kailangan kong umuwi para makuha ang SID ko.

"Are you lost baby girl?" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Reven.

"Baby girl mo mukha mo," inis kong sagot sa kanya.

"Here," napakunot-noo ako sa pagbigay niya ng SID.

"How come you had my Student ID? I am sure I left it at home," pang-uusig ko sa kanya.

"You lost it. Napulot ko 'yan kagabi sa tapat ng DP," sagot niya.

DP?

Dine Paradise? Kung saan ko sila ng kayakap niyang Prime? I was with Zeus so pwede ngang mahulog kasi nakasakay ako sa motor niya. Pero nakakaanghinala pa rin siya.

"A-ah... Sige t-thanks," sabi ko saka bumalik sa gate.

"Wait for me," he said but I just ignored him.

Kahit magkasabay kaming pumasok I didn't talk to him. I have to compose myself. Baka kung bigla kong matanong ang tungkol do'n sa Prime.

"Thank you ulit," sabi ko na lang nang tumigil siya sa tapat ng compter lab.

Dumiretso ako sa building namin at saka naghintay kay Jea. Ba't wala pa dito ang babaeng 'yon e nagdodorm naman 'yon? Masama talaga sa kanya ang pagdodorm. Nagiging late na siya.

"Wow! Ang aga mo ngayon Snow a! May pa-ID pa," bungad ni Jea pagkarating niya ng classroom.

"Come here right away! I have something to ask you," maagap naman siyang lumapit.

"Ano 'yon may chika ka? Kayo na ni Greek God?" mahinang tanong niya.

"H-hindi 'yon. M-may itatanong sana ako," parang bigla akong nahiya sa nais kong itanong sa kanya.

Pinagkrus naman niya ang kanyang mga braso at tinaasan ako ng kilay. Kinakabahan akong itanong sa kanya ang tungkol kay Reven.

"May naaamoy akong kakaiba sa itatanong mo ngayon ah. Ano 'yon?"

Napabuntong hininga ako saka biglang natauhan. Bakit ko ba kailangan pa magtanong tungkol sa delinquent nerd na 'yon? Ano naman ba ang pakialam ko ro'n? Hays! 'Wag na lang nga talaga at baka kung ano pa ang maisip nitong si Jea.

"B-bakante pa ba 'yong dorm unit na sinabi mo?"

Buti na lang at naalala ko ang tungkol do'n. Nagtaas naman ng kilay si Jea sa itinanong ko. Hindi talaga ako makakaligtas sa sense ng babae na 'to. She's really a buzzing bee.

"That's not what you are going to ask am I right?"

She's too good at reading people's mind. Nakailang lunok ako bago sinimulang nagkwento.

"I saw Reven with someone at the Dine Paradise yesterday. She's hugging Reven. I am sure that she's a Prime because of her uniform and sh-"

"Teka lang," Jea stopped me. "Si Reven? Si Reven Monsieur may kayakap na Prime?"

"Oo," sagot ko.

"So anong kinalaman ni Reven sa itatanong mo?"

Natigilan ako sa tanong na iyon ni Jea. She's suspiciously looking at me. Why is she asking? Ayoko na sanang ipunto pa na tungkol kay Reven ang tanong ko.

Manipulate MeWhere stories live. Discover now