Ch. IV

35 0 0
                                    

"Raging Zeus"

Snow POV

Bakit ba pinapayagang pumasok 'to sa SHIS? He wasn't wearing his uniform properly. May pa bukas pa ng butones hindi naman lahat interesado masilip ang chest niya. Tsaka bakit gumagamit siya ng glasses? Hindi kaya complement sa pananamit niya. Well, uso naman ang anti-radiation glasses kaya pagbigyan na lang.

He wasn't even wearing his coat. 'Yon na nga lang ang makakapagpatunay na Senior High School student siya hindi pa niya sinusuot pero ang pods lagi niyang suot. He's probably not active in academics. He completely looks like a delinquent nerd.

"I'll just ignore the fact you were caught staring," biglang turan niya.

Magdedefend pa sana ako nang may biglang tumigil na Jollibee crew sa table namin.

"Sorry Reven natagalan," paumanhin no'ng jollibee crew habang nililipat sa table ang isang tuna pie, fries, at cokefloat.

"It's fine Max. Thanks," sabi naman ni Reven saka pinatong ang phone niya sa table.

Pagkaalis ng crew ay napatingin siya sa akin...finally.

"Why are you looking at me like that my Queen?" he innocently asked.

"Wala naman. Napakahealthy lang ng food mo," sarkastikong sagot ko.

"What's wrong with fries, pie, and McFloat?" napangiwi ako sa tinanong niya.

"You mean Cokefloat?"

"Jollibee McFloat," he said before he took a bite on his tuna pie.

"Whatever delinquent nerd," napapailing na sabi ko.

I noticed him dipping his fries on the Cokefloat. I'm really surprise kasi napaka-rare sa lalaki na gawin 'yon. He caught me looking at him and he feed me unexpectedly.

"Eat."

"Anong akala mo sa'kin aso? Makasabi ka naman ng 'eat' parang-"

"Others are looking so eat now my Queen," pagputol niya niya sa reklamo ko.

Napalunok naman ako bago kinain ang fries na sinusubo niya sa'kin. Goodness! This is humiliating.

"W-wag mo na nga kong t-tawaging my Q-queen," pumipiyok pang sabi ko.

"Sige be."

"Be?" nagtataka 'ko namang tanong.

"Yes be?"

"Magtino ka nga Reven. Anong be ka dyan?" naiinis kong tanong.

"Snow."

"What?"

"Unbelievably stupid," naiiling naman niyang turan.

Hindi ko naman napigilang hindi siya batukan.

"Ano nga kasi?"

"I already answered okay? You don't need to hit me because of your own stupidity," litanya pa ni Reven.

"Nakakailang stupid ka na sa'kin. Umayos ka nga kasi ng sagot," naiirita ko namang tugon.

"Nyebe. Filipino term for your name," pagpapaliwanag naman niya.

"Marunong ka naman pala magpaliwanag nang maayos pinatagal mo pa," sabi ko. "Pero bakit naman kasi kailangan tagalugin mo pa pwede namang Snow na lang."

"Everyone calls you Snow," napatitig naman ako sa kanya.

"H-ha?"

"Just eat."

Manipulate MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora