Ch. XXV

19 0 0
                                    

"Cons Code Night"

Snow POV

Sobra hirap ng naging exam namin. Buti nalang naturuan ako ni Zeus sa Stat ko kung hindi 'yon talaga ang maghihila ng grades ko pababa. This is our last day kaya we have free time. Ganoon kapag nagpaexam sa SHIS. May alloted time to relax after exam.

Pumunta ako ng oval para doon hintayin si Zeus. Maraming Shisians na dumiretso rin rito kaya naghanap ako ng puwestong malayo sa kanila. I plugged my earphones and open up a book as usual.

I almost got a heart attack when someone took my book. It was Reven. Umupo siya sa katapat na bench at binuklat ang librong binabasa ko. He's chewing a gum that irritates me.

I don't really like chewing gums.

"Spit it out," iritang sabi ko sa kanya.

Walang reklamong ginawa niya naman ang inutos ko. I was amazed by then. Akala ko ngingisihan niya lang ako o 'di kaya ay magbibingi-bingihan lang siya sa akin.

Binaba niya ang libro saka may kinuhang velvet box sa bulsa niya saka ibinigay sa akin.

"Ano 'yan?" nagtatakang tanong ko.

"Bakit hindi mo buksan para malaman mo?" nakakainis na sagot niya.

Binuksan ko naman ang box at nagulat akong makitang singsing ang laman nito. Kaagad kong sinara ang velvet box at ibinalik sa kanya.

"Sinabi ko na sayo Reven. Kami na ni Zeus kaya tigilan mo na 'to," I insisted.

"Wala naman akong sinabing ibibigay ko 'yan sayo," matabang sagot niya.

Inirapan ko na lamang siya at binawi ang libro ko mula sa kanya. Hindi ko na siya dapat kinakausap. He's a threat. He's a walking bomb na any moment pwedeng sumabog.

"Does it look good? Ibibigay ko sana sa liligawan ko. I mean Leni," aniya habang nakangiti.

Kay Leni? Bakit naman niya bibigyan si Leni ng ganoon? Sobrang mahal ng singsing na 'yon kung iisipin. Why would he give it to that woman?

"Bakit mo sinasabi sa akin? Anong pakialam ko sa inyong dalawa? Ako ba magkakasal sa inyo?" sarkastikong turan ko.

Natawa lang siya pero kaagad naman siyang nakabawi. He stood up and fix his uniform.

"Gusto kong ligawan si Leni," sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Napalunok naman ako sa kaba. Ayokong pansinin ang sinabi niya but I am bothered. There are a lot of Shisians here bakit si Leni pa? Gagawin niya ba 'to para tigilan na siya ni Simone?

"Go on," sagot ko.

I don't think he really likes Leni. He said he like her before but why is he showing affections towards me? Hindi niya ako mapapaniwalang hindi niya ako gusto kasi sa mga kinikilos niya alam kong hindi lang 'yon simpleng act of a friend. Isa pa hinalikan niya ako dati sa gym.

"I'm going to consider your opinion," seryosong saad niya.

Alam ko kung anong gusto niyang mangyari. Nais niyang pagsabihan ko siyang huwag ligawan si Leni. At gusto ko nga rin gawin 'yon. Paalis na sana siya pero pinigilan ko siya.

"What if I don't want you to be together with Leni? Would you consider this?" mahinang tanong ko.

Kinuha niya ulit ang velvet box at binagay sa akin.

"You can have that," aniya.

I wanted to refuse but he said something which stunned me.

"Return that when you're strong enough to see me with someone else," nakangiting turan niya bago umalis.

Manipulate Meحيث تعيش القصص. اكتشف الآن