Ch. XXVI

26 1 0
                                    

"Hundred Days"

Snow POV

Naging maayos ang naging relasyon namin ni Zeus. We're still together kahit pa na minsan nakukulitan ako sa bestfriend niya. Minsan kasi kapag wala si Zeus kami ni Reven ang magkasama. I really don't like the vibe. We're like friends but sometimes we're just enemies getting into each other's nerve.

"Sabi ni Jea magkasama kayo kahapon ni Mon," sabi sa akin ni Zeus nang maglunch kaming magkasama.

"O-oo. Nagkasabay lang kami," palusot ko naman.

Napatango lang si Zeus sa tinuran ko. Nag-aalala siguro siya sa akin. Medyo naging usap-usapan kasi ang pagiging close namin ni Reven. Marami kasing nagtsitsismis na pinagsasabay ko sila ni Zeus at Reven.

That's impossible.

Halos araw-araw sinasabi sa akin ni Reven sa akin na hindi niya ako gusto kaya't naririndi na ako't naniniwala sa sinabi niya. Dati pakiramdam ko talaga gusto niya ako pero habang tumatagal I could really see his real intention. He was just trying to be friendly.

Speaking of the delinquent nerd. Ilang minuto lang umupo sa tabi ni Zeus si Reven.

"Pinag-uusapan niyo ba ako?" kapal mukhang tanong niya.

"Hindi kaya! Asa ka namang pag-usapan ka namin," I hissed.

"Tinanong ko lang siya kung magkasama kayo kahapon," pag-amin ni Zeus.

Napasulyap naman sa akin si Reven na para bang may gustong ipahiwatig. He's suggesting something else.

"Nagkasabay lang tayo kahapon 'di ba?" inunahan ko na siya't baka iba pa ang masabi niya.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Mas mabuti na rin 'yon. Kinakabahan ako sa kanya e. Lalo pa at pahamak siyang lalaki.

Hinatid ako ni Zeus sa classroom namin. Sinamahan din naman kami ni Reven. Unlike his friend, nakabusangot siya't halatang napipilitan lang na ihatid ako. He looks annoyed. That's yhe reaaon why girls dislike him. Nakakatakot siyang lapitan. Parang lagi siyang may kaaway.

"Jea! Sinabi mo ba kay Zeus na magkasama kami ni Reven kahapon?" bungad ko kay Jea sa classroom.

Nagulat siya sa pagdating ko at tinago ang phone niya. It looks like she's texting someone.

"H-hah? Hindi nga kami nagkita ng Zeus mo paano ko masasabi sa kanya?" she said.

Hindi niya sinabi? Pero bakit ang sabi ni Zeus si Jea ang nagsabi sa kanyang magkasama kami ni Reven?

"Ang sabi niya ikaw raw nagsabi sa kanya," sabi ko habang paupo sa seat ko.

"Hindi kaya nakita niya kayo kahapon?" paghihinala ni Jea.

Wala namang masyadong ganap kahapon. Sinamahan lang ako ni Reven na bumili ng mga notepads at highlighters. It's absolutely nothing. But it would cause trouble for me. Hindi ko sinabi kay Zeus na magkasama kami ni Reven. Kung tama nga si Jea paniguradong alam na ni Zeus na nagsisinungaling ako.

Kung pwede lang naman kasing bayaran ang mga Marites sa school. Makita lang na magkasama kami ni Reven masyado nang maissue.

After class I texted Zeus na hihintayin ko siya sa oval. He replied na matatagalan ang training nila. That's it.

He really got mad at me.

Pupuntahan ko sana siya sa club room nila nang magkasalubong kami ni Reven. He looked bored when he saw me.

"Tinitingin mo?" supladang banat ko.

"Ikaw ang unang tumingin," nakakaasar pang sagot niya.

"Excuse me?"

Manipulate MeWhere stories live. Discover now