Ch. XXI

28 0 0
                                    

"His Surprise"

Snow POV

Hanggang sa makauwi ako hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Next. Talaga bang ganoon ang pamilya ni Reven. They really look so intimidating but they're not that scary. Masyadong OA lang ang description ni Next.

Sa bahay ako umuwi. Last day ng Interschool bukas. I'll have to confess to Zeus. Kinakabahan ako para sa gagawin ko. I really like Zeus but now everything's messed up. I get easily swayed by Reven. Ginugulo niya ako pati ang puso ko.

Naglakad ako papuntang DP. Nakapagpaalam naman ako kina Daddy kaya tumambay muna ako rito. Maraming nagdedate rito. Karamihan pa mga Shisians. I called Jea to join me. Ilang minuto lang ay kaagad na rin naman siyang dumating. We just ordered an egg pie at pineapple juice.

"Sorry ulit kanina Snow. Alam ko naman kasing mananalo ka. Tsaka sobrang exciting ng game kasi kanina. Sobrang dikit ang laban," ani Jea.

I wanted to tell her about what happened earlier. Pero natatakot akong pag-isipan niya ako ng kung anu-ano.

"How's the game?" tanong ko nalang.

"Super enjoy sissy. Grabe talaga ang laban nila kanina. First quarter kinawawa talaga ng Prima ang Shis," pagkukwento niya.

"Kinawawa?"

"Sobrang layo ng puntos. Naka twenty-seven na ang Prima three points palang ang Shis."

Sabi ni Next malakas ang laban ni Reven kanina? How come they can't take some points?

"Pero patikim lang pala ng Shis 'yon. Noong pina-sub si Reven grabe sobrang lakas ng laban. Halos lahat ng puntos si Reven ang nakahulog. Ang daming fangirls niya sa Prima. Sobrang weird nga kanina they cheered Reven kahit Prime sila at hindi Shisians," dagdag pa ni Jea.

"Hindi kabilang si Reven sa line up? Bakit biglang sub lang siya? Di ba taga- assist siya ni Captain sa mga naunang laro nila?"

I only knew about this from Jea. Hindi kasi talaga ako nakakapanood ng laro nila. Pero todo kwento kasi si Jea sa akin.

"I'm not sure about this pero parang injured kasi ang left hand ni Reven kanina. Di ba nga leftist 'yon kaya parang napapangiwi siya tuwing nagdidribble o di kaya nagpapahulog ng bola."

"Pero naipanalo niya rin naman," sabi ko.

"Oo nga e. Bilib talaga ako sa kanya kanina. Kahit hirap siyang gamitin ang kanan niya't sumasakit ang kaliwa niya nagawa niya paring ipanalo ang Shis," tuwang-tuwang sabi ni Jea.

"Sabi mo kanina wala siya nong magfourth quarter."

"So ayon na nga. Nang magfourth quarter na nag bench boy ulit si Reven dahil na rin siguro sa injury niya. Malaki na rin naman ang naging lamang ng Shis kaya kampante ang team na maipapanalo natin 'yon," saad ni Jea.

Nang dumating na ang order namin kumain na muna kaming dalawa. I really have to ask her for advice.

"Ang toto niyan Jea kaya kita tinawagan may papatulong sana ako sayo," panimula ko.

"Anong papatulong mo?"

"May kaibigan-"

"Wala ka namang kaibigan bukod sa akin," pagputol niya sa sasabihin ko.

"I mean Sandra. You remember her right? Cousin ko sa probinsya," pagpapalusot ko.

"Oh anong meron kay Sandra?"

"May nanliligaw kasi sa kanya at balak niyang sagutin," kwento ko.

"Gusto niya?"

"Oo naman. Kaya nga sasagutin niya."

Manipulate Meحيث تعيش القصص. اكتشف الآن