Ch. V

38 0 0
                                    

"Zeus' Apology"

Snow POV

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. I almost had a heart attack.

"Dinner is ready!"

"Mommy naman e! Nanggugulat ka naman. Hindi po ako magdidinner," sabi ko kay Mommy.

"Dinner with Zeus is ready," napatayo naman ako bigla sa sinabi ni Mommy.

"Zeus?"

"Nasa labas siya ngayon. Nagpaalam siya sa'kin na may pupuntahan daw kayo," saad pa ni Mommy.

Pag-alis ni Mommy nagpalit ako ng damit bago bumaba. Nando'n nga si Zeus. Napatingin ako sa pisngi niya. Buti na lang at 'di nag-iwan ng marka ang pagkakasampal ko sa kanya kanina.

"Before 10 umuwi kayo ha," paalala naman ni Daddy.

Paglabas namin ng bahay wala ni isang nagsalita sa amin. Wala na rin naman akong sasabihin.

Pinasuot niya sa'kin ang isang helmet. Ngayon ko lang nalaman na nagmomotor pala siya.

"May liscense ka?" tanong ko bago sumakay.

"Kumuha ako no'ng summer," sagot naman niya sa'kin.

Hindi na rin naman kasi ako updated sa buhay niya kaya hindi ko alam. Mula kasi last year hindi na kami nagpapansinan pa.

Dinala niya 'ko sa Dine Paradise. Malapit lang ito sa school namin. Nagdodorm si Zeus kaya dito siguro siya kumakain.

Laging nakukwento ni Jea 'to sa'kin. Maganda pala rito. Maraming mga succulent tsaka potted plants.

Pumwesto kami doon sa medyo malayo sa ibang customers. Nagpaalam siyang mag-order kaya kinuha ko ang phone ko at nagFB.

Nagka-log out na 'yong King Monsta kaya nag-IG na lang ako.

Revenclaw follows you

May IG rin pala siya. I stalked his profile.

Reven Monsieur
@revenclaw
28 golds but still want you the most

127k followers
4 follows
6 posts

Sikat pala siya ha? Ang dami niyang followers. Ang latest update niya ay jollibee chicken joy. Promoter ba siya?

Reven Monsieur
@revenclaw
Want you better than me

I was too curious kaya nagbasa ako ng comments.

@captnext
sarap mo naman

Who is this guy? Ang awkward ng comment niya but still maraming nag heart.

@tkdme
libre kita niyan next time mon

I rolled my eyes after seeing Leni's comment. She's so epal ha. Napatingin ako sa iba pang comments. Bukod sa mga Shisians may mga taga Priyanka Mortello Academy rin na nagkomento.

Ganito ba talaga siya ka kilala. Parang hindi naman pang sikat ang mukha ng delinquent nerd na 'yon.

"Here's your food," kaagad ko namang tinago ang phone ko pagkarating ni Zeus.

"T-thanks," sabi ko naman saka kinuha ang binili niya para sa akin.

Tahimik lang kami habang kumakain. Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Hanggang sa kunin na ang pinagkaininan namin.

"M-mauna na siguro ako. Baka pagalitan ako ni Dad," sabi ko habang papatayo.

"I'm sorry about earlier Snow," napatigil ako sa sinabi niya. "I just got mad kasi sinabi ni Mon sa akin na magkasama raw kayong naglunch kanina."

Manipulate MeWhere stories live. Discover now