Ch. XXVIII

27 0 0
                                    

"Falling Harder"

Snow POV

After the kissing incident with Reven hindi na siya ulit nagparamdam pa. Even last Christmas hindi rin siya nagpakita sa akin. I feel so bad for expecting him to come. Bumili pa ako ng regalo para sa kanya. Tama lang na hindi ako nakipaghiwalay kay Zeus.

Hinintay ko siya sa labas ng bahay noong Christmas at New Year. I was hoping he would appear again so I could tell him how I feel. Sabi ko sa sarili ko pipiliin ko siya over Zeus if he will come. I'm so stupid for getting swayed. Naiinis akong naisip ko talagang gusto ko siya.

Back to school ngayon. Papasok ako ng gate nang harangin ako ng guard. Doon ko lang napagtantong wala akong suot na SID. Napabuntong-hininga naman ako't tumalikod.

Napasinghap ako nang may biglang magsabit ng lace sa leeg ko. Paglingon ko'y tuloy-tuloy lang ito sa pagpasok sa school.

Reven!

Binilisan ko ang pagpasok at hinabol siya pero sa sobrang daming estudyante hindi ko nakita kong saan siya dumiretso. Is he playing hide and seek.

Hinubad ko ang SID na pinasuot niya. It's mine. He had it again. He probably knew I'll be late for today. Tumabi si Jea sa akin nang magflag ceremony. She looked blooming.

Nang magsimula ang program ay nagkausap kami ni Jea. Opening program after Christmas break was so boring. Kaya mas gusto kong mag-usap kami ni Jea kaysa makinig. Narinig ko na rin naman 'yan last year. Medyo ni-revise lang ang mga message nila.

"Kamusta ang bakasyon?" tanong ko sa kanya.

"The best vacation ever," she said joyfully.

Napasulyap ako a bracelet na suot niya. It had a marble embedded with a Cancer zodiac sign. Napakunot-noo ako dahil hindi naman cancer ang zodiac sign ni Jea. She's a Taurus.

"Bakit best?" tanong ko sa kanya.

She coughed a bit and raised a peace sign.

"Can't tell you yet," nahihiyang sabi niya.

"May boyfriend ka na?"

Umiling lang siya't nagkibit balikat. I didn't asked her for more information. Ayokong ipressure siya. Alam ko masasabi niya rin naman sa susunod kung ano man ang gusto niyang sabihin.

"Nga pala. Kayo pa ba ni Zeus?" biglang tanong niya.

"Oo naman. Bakit?"

"Akala ko si Reven na ang jowa mo. May GC kasi ang Shisians na hindi ka kasali. Nabasa ko doon ang tungkol sa trayanggulo niyo ni Reven at Zeus," she explained.

Ang bilis talaga ng Shisians. Talagang gumawa pa ng issues tungkol sa amin ni Zeus at Reven. Ano nalang kaya kung malaman nila ang tungkol sa halikan namin ni Reven. Siguradong masisira ang buhay ko.

"Paano ka naman napunta sa GC nila?" nagtatakang tanong ko.

Hindi naman siguro tanga ang Shismosa's para i-add ang bestfriend ng pinagtsitsismisan nila. I don't think they're okay with that.

"Kasali kasi si Leni sa GC. Nakibasa lang ako," she said.

Hindi ko akalain na Shismosa rin pala talaga ang lugaw na 'yon. Pero mas hindi ko inaakalang maging close sila ni Jea.

"Ano bang nakalagay sa GC?" hindi ko maiwasang hindi maitanong kay Jea.

"Reven keeps on posting about you tsaka biglang ididelete kaya naisip nilang may something kayong dalawa."

Reven is posting about us? Huling post na nakita ko kasi ang sa childhood photos niya. I didn't knew he posted more.

"Pinagtitripan lang ako ni Reven," sabi ko naman.

Manipulate MeWhere stories live. Discover now