Ch. XXXI

39 1 0
                                    

"DJ and Nyebe"

Snow POV

Alas otso na nang umaga nang magising ako. Dali-dali akong bumangon para makapaghanda sa pagpasok. Kinakabahan ako dahil first day ko pa naman sa Senior High. Buti nalang talaga at nasa dorm ako ngayon. I'm within the school vicinity lang.

Tinuloy ko ang pagkuha ng HUMSS. Nitong bakasyon nahilig ako sa panonood legal drama. Nainspire akong mag-abogado. Pero hindi pa naman ako talagang sigurado. Anything will do naman kasi kaya ko namang mag-aral. Ewan ko ba kung bakit hindi ko mapag-isipan ang future ko.

Jea dreamt to become a flight attendant. Zeus wanted to be a soldier. Next sees himself as an electrical engineer. Kahit si Leni may plano na rin. She wanted to take criminology. Ako lang ata ang walang kasiguraduhan.

Si Reven nga pala!

Palabas ako ng dorm nang tawagan ko ang phone niya. Mabilis naman niyang sinagot.

"Anong kurso ang kukunin mo next year DJ?" bungad ko sa kanya.

I heard him sighed.

"Yan lang ang itinawag mo Nyebe?" iritadong tanong niya.

"Using phone in my class is not allowed! Leave Monsieur," dinig kong sigaw ng teacher niya.

Oh my God! He's in class? Ang tanga ko!

Pinatay ko na ang tawag at dumiretso ng cafeteria. Hindi na rin naman ako makakahabol sa first period namin kaya kakain na lang ako. Nagmessage na rin naman ako kay Reven na nasa canteen lang ako.

These past few months mas naging close kami sa isa't-isa. Noong una kinabahan ako dahil sa gusto ko siya pero talagang tinuring niya akong kaibigan. Nasaktan ako do'n pero given naman kasi 'yon na hanggang doon lang kami dahil may relasyon kami ni Zeus.

Hindi ko na nasabi kay Zeus ang tungkol sa paghalik sa akin ni Reven. Natakot ako baka masira kami at pati na rin silang dalawa.

Isusubo ko na sana ang donut na binili ko nang may humawak sa kamay ko't kumagat sa donut na hawak ko. I felt pissed off seeing Reven. Umupo siya sa katapat na upuan pagkatapos.

"Sayo na nga 'yan! Malason pa ako sa laway mo," inis kong sabi.

Kinuha naman niya ang donut at nilantakan. Walanghiyang lalaking 'to. Hindi man lang nahiya at tumanggi kunwari.

"Kung nakakalason ang laway ko edi sana noong Interschool palang pinaglamayan na kita. Ang arte mo masyado Nyebe," he snorted.

I suddenly felt the urge to knock his head.

"Okay nang maarte ako. Atleast maganda," I defended.

"Maganda? Saan banda?" pang-aasar niya.

"DJ!"

He laughed at me like I'm the best joke he ever encountered.

"Ano nga ulit 'yong tanong mo kanina?" he asked.

Buti naman at naalala niya.

"Anong pangarap mo? Si Zeus kasi papasok ng PMA. Si Next gustong maging engineer. Ikaw?"

He stared at me.

"To be a lawful wedded husband," pinandilatan ko naman siya sa pangtitrip niya.

"Magseryoso ka nga DJ! Ano nga kasi?" I hissed.

"Neurosurgeon," he answered.

"Neurosurgeon?"

He nodded. Pinasadahan ko naman siya ng tingin kung pasok siya sa gusto niyang kurso. He's still a bit of delinquent type pero medyo maayos naman ang pagmumukha niya.

Manipulate MeWhere stories live. Discover now