Ch. XVIII

26 1 0
                                    

"Misinterpret"

Snow POV

Maaga pa akong nagising para sumabay kay Zeus. Hindi na ako nag-almusal. Maaga kasi ang laro niya. May laro rin si Next pero mukhang hindi ako makakapanood. Dala ni Zeus ang motor niya. Nagpaalam siya kina Mom and Dad tsaka kami umalis.

"Yakapin mo ko nagmahigpit ha," pabirong sabi niya.

Medyo malayo sa bahay ang Prima compared to Shis pero ayos lang naman sa'kin. Nang napadaan kami sa high way biglang lumiko si Zeus at sa eskinita dumaan.

But still we arrived at the school. Nagtaka lang ako bakit siya nag reroute e mas malapit kung sa high way kami dumaan.

"Bakit ka nag-iba ng daan kanina?" hindi ko maiwasang itanong sa kanya.

Napakamot naman siya bago sumagot .

"Students licence pa lang ang meron ako. Hindi pa ako nakakakuha ng prof," aniya.

"What? Dati sabi mo kumuha ka."

"Yong student license nga kasi 'yon," depensa pa niya.

Hindi na ako nakipagtalakan pa. Pumunta muna kami ng comfort room at inantay ko muna siyang makapagbihis. He had to change his uniform.

"Hi!" bati sa akin ng isang taga-Prima.

"Hello," bati ko.

"I'm Harry. You are?" pakilala niya.

Gusto ko na sana siyang paalisin pero masyadong awkward no'n kasi school niya 'to.

"I'm-"

"She's taken," biglang sulpot ni Zeus.

Inakbayan pa niya ako at nginitian ang nagpakilala. Kaagad namang sumibat si Harry.

"Taken for granted pa sana ang kasunod no'n," sabi pa ni Zeus.

Pabalibag kong inalis ang braso niyang nakaakbay sa akin. Talagang walang oras siyang pinipili para asarin ako.

"May dala pala akong pagkain. Tara," sabi ni Zeus.

Hinawakan niya ang kamay ko papunta sa gym. Akala ko kakain kami pero bakit dito kami papunta. Nakasalubong namin si Reven. He had a wound on his left cheek. Napatingin siya sa magkahawak naming kamay ni Zeus.

"You went home again?" seryosong tanong ni Zeus.

"Reven! Wait for me," pagtawag ni Simone.

So they were together. Napatingin rin si Simone sa mga kamay namin ni Zeus. She even smiled and wrapped her hands around Reven's arms.

"You look good together," nakangiting komento pa niya.

"You look pathetic," ani Zeus.

Nawala naman ang ngiti ni Simone at tiningnan ng masama si Zeus. She even glared at me.

"What's wrong with you Zeus? I'm complementing you," aniya.

Inalis ni Zeus ang mga kamay ni Simone na nakahawak kay Reven. He did it so harshly.

"Hey! What are you doing?" maarteng reaksyon ni Simone.

"Zeus..." mahinang pagpigil ko.

"Sinaktan ka na ba ng Daddy mo Sai?" tanong niya kay Simone.

Simone didn't speak up.

"Pinalayas ka na ba ng sarili mong pamilya? Don't be so selfish Sai. Kung mahal mo nga si Reven have some empathy and self-respect," sabi niya bago kami umalis at pumuntang gym.

Manipulate MeWhere stories live. Discover now