Ch. XVI

15 0 0
                                    

"Interschool"

Snow POV

Nagpasundo ako sa driver namin para magpahatid sa Prima. Sumabay sakin sila Leni, Zeus, at Jea. Gusto ko sanang  si Zeus kung bakit wala si Reven pero baka misunderstood pa niya.

Mamayang hapon ang IQB. Sobrang kinakabahan na 'ko. Medyo nafocus kasi ako sa pagpapratice sa classical singing. Pagkarating ng Prima nagpaalam sina Zeus at Leni. Pupunta kasi sila sa team nila.

"See you later witch," ani Zeus bago umalis.

Naiwan naman kami ni Jea. Pupunta sana kami ng gym ng Prima pero nakalimutan ko na ang daan dito. May game ang basketball team ng Shis ngayong umaga kaya gustong manood ni Jea. It would be my first time watching. Gusto ko sanang magreview para sa IQB pero wala ako sa mood ngayon.

"I called Next. Maya-maya narito na 'yon," sabi naman ni Jea.

Talagang naging close sila ni Next ah. Pero okay rin naman si Next. Medyo cryptic lang siya pero overall he seems to be a good friend naman. I looked around hoping to see Reven. Pero siguro kasama siya ng basketball team.

I wanted to call Mom pero naiwan ko nga pala ang cellphone ko sa sasakyan. Nagpahintay ako kay Jea. Binilisan ko ang lakad papuntang parking ng Prima. Buti nalang at sinabihan ko kanina si Manong na hintayin ako. Kinuha ko ang phone at bumalik kay Jea.

"I won't quit," napatigil ako pagkarinig ko ng boses ni Reven.

He was talking to a man na parang kaedad lang ni Dad. Naroon rin ang mommy ni Reven. I knew it's her kasi nakita ko na rin siya dati sa school. All of a sudden sinuntok si Reven ng Daddy niya kaya kaagad akong lumapit sa kanila at pumagitna. Her Mom looked surprised.

"Kung tutuloy niyo pa ring saktan si Reven tatawag ako ng pulis," matapang na saad ko.

His Dad looked at me in disbelief.

"It's about my family hija. You're in no position para makialam," malalim na sabi ng Daddy niya.

"You're abusing Reven. I can't just stay still," pinilit kong maging matapang.

Napabuntong hininga ang Daddy niya. I feel so nervous. Hindi ko alam kung kaya ko bang panindigan ang sinabi ko.

"Reven!"

Napalingon kami lahat sa tumawag sa pangalan ni Reven. Lumapit siya't hinawakan ang kamay ni Reven. She glared at Reven's Dad.

"Stop doing this to Reven Tito! I'll tell Gran if you do this again," galit na sabi nito.

Tinabig ako ng Daddy ni Reven at pinaghiwalay ang dalawa. I don't know why Reven's Mom wasn't protecting him. She should atleast save him.

"Hindi na kayo nahiya! Iisang dugo lang ang nananalaytay sa inyo," galit na sigaw ng Daddy ni Reven.

Buti na lang at wala pa gaanong tao rito. Reven looks mad. He even closed his fist. Parang ilang sandali na lang ay masusuntok niya na ang Daddy niya.

"I'm Reven's girlfriend!"

Napakagat labi ako nang masabi ko 'yon para mawala ang tensyon. Napatingin naman sila sa akin. Nagulat sila sa sinabi ko. But Reven looked annoyed. He walked towards me and dragged me away.

"If that's the case, bring her on Friday Reven," rinig kong sabi ng Daddy niya.

Hila-hila niya ako hanggang sa makalayo na kami sa pamilya niya. Binitawan niya na ako't tinitigan ng masama.

"Never come near me," malamig na sabi niya.

I suddenly felt pain on my chest hearing those words from him. 

Manipulate MeDär berättelser lever. Upptäck nu