13

77 45 126
                                    



"Puta, wala pa bang malapit na gas station diyan. Ihing-ihi na ako!", reklamo ni Kai. We're currently on our way to Baguio. Summer na ngayon at tulad ng napag-usapan namin ni Dee, pupunta kami ng Baguio pagtapos ng school year ng iba naming mga kaibigan. Inaya rin namin si Zeke kaso tumanggi dahil kasama namin si Anais. It's not like they had a serious relationship but of course, Zeke had feelings for her so it's kind of awkward if sumama siya. 


"We just had a restroom break, Kai. Inom ka kasi ng inom. Ayan!", sumbat ni Anais sa kaniya. And about these two, they went back to their usual selves. Palagi nanaman silang nagsasagutan. Anais didn't tell Kai about what she feels. She told me she wants to keep it to herself for a while.


Napatingin naman si Kai sa bote niyang halos wala nang laman. "Eh kung dito nalang kaya ako umihi." 


I looked at the rear mirror at natawa sa reaksyon ni Anais. Nakaupo ako sa shotgun seat habang si Dee naman ang nagmamaneho. Magkakatabi sila Anais, Kai, Lili at Blaze sa likod. Kahit ang ingay nila Anais at Kai, ang sarap parin ng tulog nung dalawang mag jowa. Nakasandal pa ang kanilang mga ulo sa isa't isa. Hindi naman classical music ang pinapatugtog namin ngayon dahil baka makatulog rin si Dee. Hinayaan nalang namin dahil ngayon lang sila makakabawi ng tulog. 


"Sa dulo ng SCTEX, may rest stop. Umihi na kayong lahat dahil dire-diretso na tayo nito pagdating ng TPLEX", sabi ni Dee. Just looking at him right now makes my heart flutter. He's wearing a navy blue button down short sleeve polo and brown shorts. Naka shades pa siya na nakadagdag sa charisma niya. He saw me looking at him from his peripheral vision so he gave me a glance and winked at me. I instantly blushed at the sight of him. 


A few hours later, nakarating na kami ng Baguio. I could feel the cold breeze seeping through the doors of the car. Even though it's summer, it's still cold here because of its high altitude. Mas lalo akong na excite nang makita ko ang mga naglalakihang pine trees. 


Nagising na rin sila Lili at Blaze. Nagulat ako nang maimpit na tumili si Lili. Pagtingin ko sa likod ay nakita kong nakasandal ang ulo ni Anais sa balikat ni Kai na parehong tulog. The best part is that nakayakap siya kay Kai. 


I looked at Lili and Blaze and signalled for them to stay quiet while I got my phone from my bag to take photos of the two. 


"Palakpak tayo para magising", Blaze whispered. Dee was just silently laughing at us because he was too focused on driving. 


"3...2...1..." Umalingaw-ngaw ang malakas na palakpak namin sa loob ng sasakyan. Agad rin namang nagising yung dalawa na lito sa kung anong nangyayari. Anais' eyes widened when she realized that her arm was draped over Kai. She immediately took her arm off of him before Kai was able to notice. We kept laughing at the both of them. 


I started playing "Circles" by Post Malone which is one of the best drive songs  kaya naman naging maingay na tuloy kami. Isa talaga ito sa mga gusto kong gawin kasama ang mga kaibigan ko. Going on long drives while jamming. Ang sarap sa pakiramdam. 


Seasons change and our love went cold

Feed the flame 'cause we can't let it go

Notes from the Moon (Solar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon