07

152 76 189
                                    



"Ang tagal naman ng boyfriend mo! It's so hot na here!", reklamo ni Anais kay Lili. 


Nandito kami ngayon nila Anais at Lili sa tapat ng arch ng UST habang hinihintay lumabas si Blaze. Mga limang minuto palang kaming andito pero panay reklamo na ni Anais. Palubog na nga ang araw eh init na init parin. 


"First of all, di ko pa siya jowa. Second, kakarating lang natin dito, natatagalan ka na. Third, tanggalin mo yang jacket mo para di ka mainitan.", sumbat ni Lili. Parang mas matanda itong attitude ni Lili kesa kay Anais. Yung pagka-seryoso niya sa studies niya nadadala niya sa amin. Si Anais naman ang childish minsan. 


"Ang hater mo!", Anais said while crossing her arms and pouting her mouth. 


Papunta kami ngayon sa Samgyupsalamat. Nag-aya si Lili dahil kakatapos lang ng kaniyang midterms. Kai went to his condo for a while to change his clothes while Dee said he's on his way. Friday ngayon kaya na traffic siguro siya. Lately, napapasama na sa amin sila Blaze at Dee except that si Blaze palaging nauunang umuwi o kaya naman may dala dalang libro katulad ni Lili. I'm surprised he can still hang out with us even though he has a lot on his plate. Mukhang seryoso talaga siya kay Lili. Pumupunta pa nga siya minsan sa bahay dahil gusto ni Nay Fellie na maayos niyang ligawan si Lili. His effort amazes me. 


"Hi kanina pa ba kayo?" tanong ni Blaze habang niyayakap si Lili. 


"Hindi naman", sarkastikong sabi ni Anais. 


Nauna na kaming apat sa Samgyupsalamat. We waited for Kai and Dee to arrive before we started eating. Halos sabay pa silang dumating. 


"Hey, you brought your car?" I asked Dee as soon as he sat down beside me. 


"No, iniwan ko sa condo ko sa Taft. Hassle kasi pag may kotse akong dala tapos Friday pa", he answered. I quickly glanced at his outfit. He was just wearing a simple grey top paired with its matching plaid button down shirt. He topped it with denim jeans and white sneakers. Kahit ang simple niya manamit, ang classy niya paring tignan. Sobrang effortless. 


"Uy, Blaze di ka busy?" tanong ni Kai habang inaayos ang kaniyang upo sa tabi nito. Pansin ko lang, lately, medyo dumadaldal na rin itong si Kai. Probably because hindi na siya yung only guy sa group namin. 


"Mukha namang hindi diba. Andito nga ako eh", he said sarcastically. Looks like Kai and Blaze have been getting along pretty well. Nakwento rin ni Kai na nagkakasalubong sila minsan ni Blaze sa UST kaya mukhang nagiging close na sila. 


"By the way guys, I'm actually going to start my youtube channel na. Subscribe kayo ah. Let's make vlogs together minsan", Anais said excitedly. 


"G na g ako diyan", I said while chewing my food. 


I heard Dee chuckle. "Dahan-dahan lang. You might choke yourself", he said while handing me a glass of water. I got it from him and drank it while looking away from him to hide my embarrassment. 

Notes from the Moon (Solar Series #1)Where stories live. Discover now